Friday, December 20, 2013

Carla Humphries, happily in love sa French-Italian boyfriend

Link to original article

Ni Nora V. Calderon

FEELING napakasuwerte ni Carla Humphries na kinuha siya to play the role of Isabelle Manahan sa 10,000 Hours, ang entry ng N2 Productions, Philippine Film Studio, Inc. at Viva Films sa 39th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25.

“Robin Padilla po kasi ‘yon, first time ko siyang makatrabaho kaya na-starstruck ako talaga sa kanya,” kuwento ni Carla. “’Tapos sa abroad pa ang shooting at si Bb. Joyce Bernal pa ang director, wala na po akong mahihiling pa. Ten days din po kami nag-stay sa Amsterdam dahil 80% ng movie ay doon kinunan.”

May Dutch dialogue daw siya sa movie, nag-aral ba siya how to speak Dutch? “My dad is French-American, medyo may alam po ako ng language, pero ang mga kababayan nating mga Pinoy na nandoon na marunong nang magsalita ng Dutch ang nagturo at umalalay sa akin. Konti lang namang Dutch ang dialogue ko, more on English.

Thankful nga ako sa producer namin, si Neil Arce, who is a friend, nang naghahanap sila ng gaganap sa role ni Isabelle, biro ko sa kanya na kapag he needs na foreigner ang peg, willing akong gampanan ang role. Payag daw ba ako na may kissing scene, okey sa akin. Nagpa-blonde pa ako ng hair para sa role.

Nai-shoot namin ni Robin ang kissing scene, pero hindi mapapanood sa movie. Nang mapanood kasi nila, parang hindi bagay ang eksena sa story na fast-paced, kaya tinanggal na lang ni Direk Joyce.”

Napanood na namin ang movie sa premiere night at after the screening, binati namin si Carla sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Isabelle na malaki ang naitulong sa pagtatago ni Sen. Gabriel Molina Alcaraz (Robin) hanggang makabalik ng Pilipinas. Maganda ang role niya, pero ipinakiusap na huwag sabihin kung sino siya dahil isa ito sa twists ng story.

Masaya rin si Carla dahil pumunta ng Pilipinas ang French-Italian boyfriend niya na si Medi Parisot. Singer-record producer sa Nice, Italy si Medi na na-meet niya last year nang dumalaw siya sa lola niya sa Nice. Five years na single si Carla at ngayon lang uli nagka-boyfriend. Pero hindi raw sila masyadong nagkakikila until pumunta sila ng Amsterdam to shoot 10,000 Hours. Doon na lang nalaman ni Medi na artista siya. Wala silang language barrier dahil marunong mag-English ang boyfriend.

Nakabalik na sila ng Pilipinas nang tawagan siya ni Medi kung may ginagawa raw siya, nang sabihin niyang wala, in two days, pinapunta siya nito sa Brussels at doon sila nag-shoot ng music video ng single ng album nito of the same title, ang Once Is Not Enough. 

“Tuwang-tuwa po ako kasi ni-request niya na isu-shoot daw lamang niya ang music video kung ako ang katambal niya. Masaya dahil mapapanood po ako sa Europe. Five days din kaming nag-shoot doon at ipinakilala rin niya ako sa lola niya. Nag-promise siyang a-attend ng premiere night at he will stay here for Christmas and New Year at makikilala na rin niya ang parents ko.”

Congratulations sa buong cast ng 10,000 Hours na pawang mahuhusay ang acting, kay Direk Joyce, sa producers, dahil nabigyan sila ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB). Mahusay naman kasi talaga ang direction at maganda ang flow ng story na sinulat nina Keiko Aquino at Kyla Berico. Kasama rin sa cast sina Mylene Dizon, Michael de Mesa, Bela Padilla, Pen Medina, Alden Richards, Cholo Barretto, Markki Stroemm, Winwyn Marquez, Joem Bascon, Antonio Aquitania, Ping Medina at Bibeth Orteza.