Abante Tonite, March 8, 2009
by ALLAN DIONES
Link to original article
CLOSE friends ang tawag ni Carla Humphries sa relasyon nila ni Raymond Gutierrez, na nakunan ng video na kahalikan daw ni Carla sa isang sports event last week sa Lago del Rey, Pili, CamSur.
Inamin ng tisay na dalaga na komportable sila sa isa’t isa ni Raymond, pero hindi raw totoong naghahalikan o naglalap lapan sila in public.
Smack lang daw ang nasabing kiss kaya walang masama sa video na ipinalabas (at ayon sa kanya ay pinalaki) ng TV Patrol World.
Hindi rin daw sila lasing ng kakambal ni Ri chard Gutierrez, nagkakasiyahan lang daw ang lahat dahil nagpa-party sila. Sumasayaw raw sila ni Mon that time at hindi sila magkarinigan sa lakas ng music, kaya akala na ay naghahalikan sila.
Si Carla na galing ng ABS-CBN ang pinaka bagong alaga ni Tita Annabelle Rama. Nag-audition si Carla para maging isa sa leading ladies ni Richard Gutierrez sa Zorro.
Sabi ni Bisaya, kukunin dapat ng GMA si Carla, pero nang malaman daw ng mga taga-Siyete na siya ang manager nito ay biglang nilaglag si Carla sa Zorro at pinalitan ng iba.
Umaasa si Carla na magkakaroon ng panibagong sigla ang career niya ngayong talent na siya ni Tita Annabelle.
Sa pagkakaalam namin ay ex-boyfriend ni Carla ang young actor na si Janus del Prado. Naging sila rin ng Be Bench runner-up na si John James Uy, pero break na rin sila nito.
Sunday, March 08, 2009
Carla bagong alaga ni Annabelle Rama
Posted by
CF
at
2:50 PM
0
comments
Labels: Annabelle Rama, Carla Humphries, Gossip, Zorro
Carla: No Malice
Freehand, by Mario Bautista
Journal Online, March 8, 2009
Link to original article
CARLA Humphries made a special appearance at the presscon of JC and Annabelle to clear things up about the video shown on TV with her kissing Raymond Gutierrez.
“I was shocked when I saw it on newscast,” she says. “I mean wala namang malisya ‘yun dahil smack lang, hindi naman lips to lips na laplapan, pero nalagyan ng ibang kulay at pinalaki ang issue. My parents were bothered and asked me about it, so I had to explain it’s just a friendly kiss.
Wala namang masama if Mon and I would kiss each other like that. Matagal na kaming friends. We’re very comfortable with each other kaya we’re sweet to each other. At saka we’re just having fun after dinner, malakas ang music at nagsasayawan. Hindi naman ako ‘yung tipo ng girl na pahahalik na lang basta kung kani-kanino. And if ever, wala namang problem doon kasi wala akong boyfriend at wala rin siyang girlfriend. Pero hindi niya ako nililigawan at all. Longtime friends lang talaga kami.”
Annabelle says she has no objection if ever Raymond and Carla would be on. “Boto ako diyan kasi maganda na, galing pa sa good family, matino at magaling mag-English. Hindi siya basta-basta.”
Posted by
CF
at
2:45 PM
0
comments
Labels: Annabelle Rama, Carla Humphries, Gossip, Raymond Gutierrez
Carla not in Zorro because of Annabelle Rama'?
Freehand, by Mario E. Bautista
Journal Online, March 7, 2009
Link to original article
Annabelle Rama: Si Carla Humphries, kaibigan ni Raymond. Pina-audition for ‘Zorro.’ From 20, naging 10 sila, naging 5, naging 3 na lang. So akala namin, pasok na talaga si Carla. Kaso, tinanong siya, sinong manager mo? She said si Annabelle Rama. Ayun, patay, chugi na siya. Kundi siguro akong manager, si Wilma ang magma-manage sa kanya.”
Posted by
CF
at
11:59 AM
0
comments
Labels: Annabelle Rama, Carla Humphries, Gossip, Zorro
Saturday, March 07, 2009
Annabelle: No retreat, no surrender
TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis Updated March 06, 2009 12:00 AM
Journal Online
Link to original article
May emote si Bisaya tungkol kay Carla. Ibang Carla ang tinutukoy ko, si Carla Humphries na kahalikan ni Raymond Gutierrez.
Nag-audition pala si Carla para sa Zorro pero hindi siya kasama sa cast. Ang sey ni Bisaya, naitsa-pwera raw si Carla nang malaman ng production staff na siya ang manager.
Wondering si Bisaya sa pagkatsugi ng kanyang alaga sa Zorro. Ano ba raw ang problema kung siya ang manager ng dating Star Magic talent?
Posted by
CF
at
8:45 AM
0
comments
Labels: Annabelle Rama, Zorro
Bisaya, boto kay Carla para kay Raymond
Abante Tonite, March 6, 2009
Link to original article
KA-PACKAGE DEAL ni Annabelle Rama sa presscon nila ni JC de Vera kahapon sa Max’s Roces ang bago niyang alaga, si Carla Humphries.
“Ang famous girl na kahalikan ni Raymond (Gutierrez) sa TV Patrol nu’ng Tuesday!” ang pakilala ni Tita Annabelle kay Carla.
Nilinaw ni Carla ang isyu tungkol sa halikan nila ni Raymond noong Biyernes nang madaling-araw sa Lago del Rey ng Pili, Camarines Sur.
Kuwento ni Carla, “Sweet talaga kami ni Mon (palayaw ni Raymond). Importante sa akin ang kiss. Importante sa akin si Mon.
“Hindi ako ‘yung tipo ng babae na basta-basta nagpapahalik. Very comfortable kami ni Mon sa isa’t isa.
“At walang problema ro’n. Wala akong boyfriend. Wala siyang girlfriend.
“Hindi kami nagliligawan, but we’re special to each other.”
Itinanggi ni Carla na nag-lips-to-lips sila ni Raymond. “Smack lang sa cheek,” sey ni Carla.
Nilinaw rin ni Carla na hindi sila lasing ni Raymond noong mga sandaling iyon.
“After the welcome dinner, we were having fun,” kuwento ni Carla. “Nagsayawan kami. Malakas ang music. Socializing.
“Raymond and I are very good friends.”
Si Tita Annabelle ay botong-boto kay Carla para kay Raymond.
Sey ni Bisaya, “Si Carla, maganda, galing sa magandang pamilya, matino at magaling mag-English! Hindi basta-basta!”
Posted by
CF
at
7:35 AM
0
comments
Labels: Annabelle Rama, Gossip, Raymond Gutierrez
Friday, March 06, 2009
Annabelle Rama boto kay Carla Humphries
From TV Patrol World
Link to original article
Nagbanta ngayon si Anabelle Rama na tatanggalin niya ang lahat ng kanyang mga talent sa GMA-7 kabilang si Richard Gutierrez. Boto naman si Anabelle kay Carla Humphries na nakunang kahalikan ng anak na si Raymond. Magpa-Patrol Mario Dumaual. TV Patrol World, Huwebes, Marso 5, 2009
Posted by
CF
at
8:30 PM
0
comments
Labels: Annabelle Rama, Gossip, Raymond Gutierrez, TVPatrol
Carla Humphries explains "kissing video" with Raymond Gutierrez
On PEP. Nitz Miralles
Thursday, March 5, 2009
Link to original article
Isinama ni Annabelle Rama ang bagong talent niyang si Carla Humphries kasama si JC de Vera sa emergency presscon na ipinatawag niya kaninang hapon, March 5, sa Max's restaurant sa Roces Ave., Quezon City.
Iniharap ni Annabelle si Carla sa entertainment press para sa dalawang dahilan. Una ay para ipaalam kung bakit pagkatapos mag-audtion ni Carla sa Zorro at pabalikin ng three times ay hindi pa rin siya nakuha bilang isa sa leading ladies ni Richard Gutierrez. Pangalawa ay upang linawin ang isyung paghahalikan nila ni Raymond Gutierrez sa Lago del Rey, Camarines Sur na ipinalabas sa TV Patrol World noong Martes, March 3.
ZORRO AUDITION. In fairness, pagkatapos nang magsalita nina Annabelle at JC pinalabas si Carla para nakasentro sa kanya ang atensiyon at para maayos niyang masagot ang mga tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.
Ganito ang introduction ni Annabelle kay Carla:
"Taga-ABS CBN siya at nag-audition sa Zorro. Barkada at friend siya ni Raymond, at si Raymond ang nagkumbinsi sa kanyang mag-audition. Nagpaalam siya sa Star Magic at pinayagan naman. Pinabalik siya three times at ibig sabihin, may chance na siya. Tatlo na lang silang naiwan at sabi ni Raymond, malaki ang chance na matanggap siyang isa sa leading ladies at gusto rin siya ni Richard.
"Nang tawagin na siya for confirmation, tinanong siya kung sino ang manager. Nang sabihing si Annabelle, nang malamang ako ang manager, inalis siya. Kung hindi niya sinabing ako ang manager niya, pasok siya sa Zorro."
Sabi naman ni Carla nang makausap siya ng PEP, hindi siya nagsisi na nag-audition siya kahit hindi siya napili at kahit iniwan niya ang ABS-CBN. Puwede pa naman daw siyang bumalik sa Kapamilya network. Kaya lang, wala pang maibigay na project sa kanya ang Kapamilya network at naghihintay siyang magka-project.
"I'm in between work as of now. Hindi ko pa alam kung kailan ako babalik sa ABS-CBN, mag-uusap pa kami ng manager ko," sabi ni Carla.
Kanino napunta ang role niya sa Zorro?
"Kay Rhian [Ramos]," sagot niya. "Hindi ko pwedeng sabihing dapat sa akin ang role na yun dahil desisyon yun ng network. Deserving din naman si Rhian, na incidentally friend ko, at friend ko rin si Bianca King. Hindi ako nakikipag-compete at tanggap ko na kung para sa akin ang project, mapupunta sa akin. Kung sa kanila napunta, ibig sabihin para sa kanila ang project."
Tinanong si Carla kung anong plano niya ngayon dahil wala siya sa ABS-CBN at hindi rin siya nakapasok sa Zorro.
"Nag-usap na kami ni Tita Annabelle, sobrang bait nga niya. She's been trying to help me. Like what I've said, maghihintay na lang ako ng project na para sa akin. Basta, gusto kong magtrabaho."
THE CONTROVERSIAL VIDEO. Personal na napanood ni Carla sa TV Patrol World ang paghahalikan nila ni Raymond sa Camarines Sur. Ano ang reaksiyon niya rito?
"I was shocked!" bulalas niya. "Bothered ang family ko, kinausap nila ako. Naklaro ko sa kanila at sa akin sila naniwala. Hindi naman talaga halik yun. Sumasayaw lang kami, maingay ang music at hindi kami magkarinigan. Akala lang naghalikan kami dahil sa anggulo ng camera. Ang feeling ko, pinalaki lang ang isyu sa amin ni Mon."
Ikinuwento na tuloy ni Carla na lagi silang magkasama ni Raymond sa mga event at comfortable sila sa isa't isa. Kung may halikan man daw, walang masama dahil pareho silang single.
Nabanggit tuloy ng dalaga na break na sila ni John James Uy.
"Importante at special sa akin si Mon at very comfortable kami sa isa't isa. Wala akong boyfriend at wala rin siyang girlfriend, we're just really close. Kung may kiss man, smack lang sa lips. Everyone was having fun that night, nagsayawan kami, alangang magkalayo kami? Malakas ang music kaya pag nag-uusap kami, lumalapit kami," paliwanag ni Carla.
Lasing ba sila ni Raymond that night?
"I was not intoxicated," sabi niya. "Masaya lang kami talaga. We're having fun, we were socializing and after-party yun."
Masaya ba siyang dahil sa "kissing" issue nila ni Raymond ay pinag-usapan siya?
"Ayokong isipin ng tao at ng press that I'm taking advantage of the issue. Respectable ang family ko at ayaw kong isipin ng tao na kung anu-ano ang ginagawa ko," sabi niya.
Bakit parang defensive siya?
"I'm not defensive. I'm just clearing the issue para malinaw," paglilinaw ni Carla, na graduate Gemology Institute of America sa Bangkok, Thailand ng Jewelry Design.
Posted by
CF
at
7:35 AM
0
comments
Labels: Annabelle Rama, Gossip, Raymond Gutierrez