Showing posts with label Gossip. Show all posts
Showing posts with label Gossip. Show all posts

Thursday, March 12, 2009

Walang Relasyon

Philstar.com
March 10, 2009

TAKE IT! TAKE IT!
Ni Lolit Solis

Link to original article

O ayan ha, malinaw ang paliwanag ni Raymond Gutierrez. Wala silang relasyon ni Carla Humphries pero dear friend niya ang dalaga kaya hindi dapat bigyan ng malisya ang kanilang kissing video.

Malaki ang dapat ipagpasalamat ni Carla kay Raymond. Kung hindi pa lumabas ang kanilang video, hindi siya mapag-uusapan... pero may ipagtatapat ako, hindi man sikat na sikat si Carla, kilalang-kilala ko siya.

Fan ako ng Bituing Walang Ningning kaya alam ko na kasali si Carla sa dating TV show ni Sarah. Medyo bagets pa si Carla sa Bituing Walang Ningning. Hindi katulad ngayon na dalagang-dalaga na siya at nakikipag-kissing scene na!

Tuesday, March 10, 2009

Raymond kissed a girl... and he, uh, liked it!

Philippine Star
SUPREMO By Tim Yap Updated March 07, 2009 12:00 AM

Link to original article


Kissing scene: Raymond Gutierrez and Carla Humphries — friends lang

We’re both single and we’re both hot, so what’s wrong with that?” says Raymond Gutierrez, without batting an eyelash. Mond has been in the headlines recently because of kissing — and a lot of people telling.

“It must be a slow news week for me to be part of the headlines the past three days,” said Mond with a chuckle. It’s been on top of the TV Patrol showbiz news, where even mom Annabelle and sis Ruffa were made to comment. ”At least she’s from a good family at marunong mag-English!” defended Mommy Annabelle.

“We were just enjoying ourselves in Cam Sur and Carla is really close to me. She is a sweet girl, and we arrived there together. We were just having fun. There should be no malice in that.” So there you go, straight from the uh, horse’s mouth — that should put matters to rest.

Monday, March 09, 2009

Raymond Gutierrez speaks up about kissing video with Carla Humphries

by Rose Garcia
March 9, 2009

Link to original article

Ang Showbiz Central co-host na si Raymond Gutierrez ang isa sa controversial celebrities nitong nakaraang linggo. Ito ay dahil sa "kissing video" nila ng young actress na si Carla Humpries noong nasa Lago del Ray, Camarines Sur sila.

Bilang co-host ng Sunday showbiz talk show ng GMA-7, natural lang na magbigay ng kanyang pahayag si Raymond sa mismong show niya.

"You know, I think, last week, the earlier part of the week was a slow news week that's why lumaki ang isyung ito, because walang masyadong news," umpisa niya.

Pero kinontra ito agad ng co-host niya na si John "Sweet" Lapus. Ayon kay Sweet, big star at celebrity naman daw si Raymond kaya anything ay magiging news talaga. And Mo Twister added na may video nga raw kasi.

Dugtong naman ni Sweet, isang bagay na gusto nilang bigyang linaw ni Raymond ay ang lumalabas na balita na may consent naman ang naturang video at alam daw niya yun.

"Of course not!" tanggi ni Raymond. "The cameramen were asked to leave on certain hours. After the games, there was an after-party. And after a certain hours, the cameras were asked to leave. But then, the TV crews hesitated and they shot it paparazzi style. And it's kinda lame that I'm talking about it now because I don't find it a big deal.

"You know, Carla and I, we're really good friends and we've known each other for years. We arrived there together, so, of course, we're gonna be together till the after party."

Ayon naman kay Mo, it's just kissing and there's nothing obscene about it.

Pero ang tanong ng marami ay kung sino Carla sa buhay ni Raymond. Are they more than friends? Girlfriend ba niya si Carla?

"She's not my girlfriend, but she's very dear to me," sagot ni Raymond. "She's very close to me. Like I've said, she's a very sweet girl and we communicate almost every day. At kilala ko ang pamilya niya at kilala siya ng family ko."

Si Carla ay alaga na ngayon ng ina ni Raymond na si Annabelle Rama.

Ang tanong naman ni Mo, si Carla lang ba ang bukod-tanging kaibigan niya na hinahalikan niya ng ganoon?

"What do you mean?" Raymond asked Mo. Mo explained kung ganoon din si Raymond with his other girl friends, like Anne Curtis.

"We don't go around kissing, you know what I mean? But I actually want to clear one thing because I don't actually find this thing a big deal. Personally, you know, it wasn't a big deal to me. But there was just something that came up this week that raised my attention, actually, got my attention. The fact that there's an article that came out insinuating na I was on drugs daw," sabi ni Raymond.

Sinegundahan ito ni Sweet na isa rin daw yun sa gusto niyang itanong kay Raymond, kung totoo bang aside from being drunk, was he also on drugs?

"No, I wasn't," mariing sagot ni Raymond. "I never tried drugs actually, really. If I do drugs, wouldn't I be thinner? Will I have this [weight] problem if I do drugs? And you know, my inner circle, my family, my friends, talagang alam nila, kilala nila ako that I never tried drugs. And if you dare me to have a drug test, which I find a waste of time, still I will do it kung humantong sa ganoong situation.

"But that's the one thing that I wanna clarify...not a big deal. We're human. We do it. That's it!" paglilinaw niya.

Sunday, March 08, 2009

Carla bagong alaga ni Annabelle Rama

Abante Tonite, March 8, 2009
by ALLAN DIONES

Link to original article

CLOSE friends ang tawag ni Carla Humphries sa relasyon nila ni Raymond Gutierrez, na nakunan ng video na kahalikan daw ni Carla sa isang sports event last week sa Lago del Rey, Pili, CamSur.

Inamin ng tisay na dalaga na komportable sila sa isa’t isa ni Raymond, pero hindi raw totoong naghahalikan o naglalap lapan sila in public.

Smack lang daw ang nasabing kiss kaya walang masama sa video na ipinalabas (at ayon sa kanya ay pinalaki) ng TV Patrol World.

Hindi rin daw sila lasing ng kakambal ni Ri chard Gutierrez, nagkakasiyahan lang daw ang lahat dahil nagpa-party sila. Sumasayaw raw sila ni Mon that time at hindi sila magkarinigan sa lakas ng music, kaya akala na ay naghahalikan sila.

Si Carla na galing ng ABS-CBN ang pinaka bagong alaga ni Tita Annabelle Rama. Nag-audition si Carla para maging isa sa leading ladies ni Richard Gutierrez sa Zorro.

Sabi ni Bisaya, kukunin dapat ng GMA si Carla, pero nang malaman daw ng mga taga-Siyete na siya ang manager nito ay biglang nilaglag si Carla sa Zorro at pinalitan ng iba.

Umaasa si Carla na magkakaroon ng panibagong sigla ang career niya ngayong talent na siya ni Tita Annabelle.

Sa pagkakaalam namin ay ex-boyfriend ni Carla ang young actor na si Janus del Prado. Naging sila rin ng Be Bench runner-up na si John James Uy, pero break na rin sila nito.

Carla: No Malice

Freehand, by Mario Bautista
Journal Online, March 8, 2009

Link to original article

CARLA Humphries made a special appearance at the presscon of JC and Annabelle to clear things up about the video shown on TV with her kissing Raymond Gutierrez.

“I was shocked when I saw it on newscast,” she says. “I mean wala namang malisya ‘yun dahil smack lang, hindi naman lips to lips na laplapan, pero nalagyan ng ibang kulay at pinalaki ang issue. My parents were bothered and asked me about it, so I had to explain it’s just a friendly kiss.

Wala namang masama if Mon and I would kiss each other like that. Matagal na kaming friends. We’re very comfortable with each other kaya we’re sweet to each other. At saka we’re just having fun after dinner, malakas ang music at nagsasayawan. Hindi naman ako ‘yung tipo ng girl na pahahalik na lang basta kung kani-kanino. And if ever, wala namang problem doon kasi wala akong boyfriend at wala rin siyang girlfriend. Pero hindi niya ako nililigawan at all. Longtime friends lang talaga kami.”

Annabelle says she has no objection if ever Raymond and Carla would be on. “Boto ako diyan kasi maganda na, galing pa sa good family, matino at magaling mag-English. Hindi siya basta-basta.”

Carla not in Zorro because of Annabelle Rama'?

Freehand, by Mario E. Bautista
Journal Online, March 7, 2009

Link to original article

Annabelle Rama: Si Carla Humphries, kaibigan ni Raymond. Pina-audition for ‘Zorro.’ From 20, naging 10 sila, naging 5, naging 3 na lang. So akala namin, pasok na talaga si Carla. Kaso, tinanong siya, sinong manager mo? She said si Annabelle Rama. Ayun, patay, chugi na siya. Kundi siguro akong manager, si Wilma ang magma-manage sa kanya.”

Saturday, March 07, 2009

Carla on Chika Minute

GMA7 Chika Minute
March 6, 2009

Carla Humphries is interviewed for Chika Minute regarding her video with Raymond Gutierrez. This clip aired on March 6, 2009

Link to original article




Girl in kissing video with Raymond Gutierrez speaks up
by Fidel Jimenez, GMANews.TV
03/06/2009 | 11:35 PM

MANILA, Philippines –Hindi raw dapat bigyan ng malisya ang lumabas na video kung saan nakitang kahalikan ng kakambal ni Richard Gutierrez na si Raymond si Carla Humphries sa isang outdoor party sa Camarines Sur.

Sinabi ni Carla sa "Chika Minute" portion ng "24 Oras" ng GMA nitong Biyernes na nagsalita na siya tungkol sa “kissing scandal" upang hindi na ito humaba.

Iginiit ng dalaga na ang halikan ay para lang eksena sa isang panoorin na walang personal na kahulugan kundi ekspersyon lamang ng kanilang pagkakaibigan ni Raymond.

“Friends lang kami and I respect ‘Mon just like he respects me. We’re really close saka hindi naman kami naghalikan na talagang…hindi, it’s just a sweet gesture,’" pahayag ni Carla.

Sinabi ni Carla na nagkausap na sila ni Raymond tungkol sa video at hindi raw ito big deal. Tumanggi na rin daw si Raymond na magsalita pero pinalakas naman daw ng binata ang loob ng kaibigan.

“He said, you know Carla don’t worry just tell them the truth we’re just friends and we’re just very dear to each other," ayon sa dalaga.

Pero nag-aalala nga ba ang dalaga nang malaman na lumabas ang video?

“I just worried na baka mamaya isipin nila na kung sino- sino lang ang hinahalikan ko. We’re just sweet and we’re just friends, we’re very close," pagdiin niya.

Nagpapasalamat daw si Carla sa suportang ibinigay sa kanya ng kanyang pamilya sa unang tikim niya ng kontrobersya.

Bisaya, boto kay Carla para kay Raymond

Abante Tonite, March 6, 2009

Link to original article

KA-PACKAGE DEAL ni Annabelle Rama sa presscon nila ni JC de Vera kahapon sa Max’s Roces ang bago niyang alaga, si Carla Humphries.

“Ang famous girl na kahalikan ni Raymond (Gutierrez) sa TV Patrol nu’ng Tuesday!” ang pakilala ni Tita Annabelle kay Carla.

Nilinaw ni Carla ang isyu tungkol sa halikan nila ni Raymond noong Biyernes nang madaling-araw sa Lago del Rey ng Pili, Camarines Sur.

Kuwento ni Carla, “Sweet talaga kami ni Mon (palayaw ni Raymond). Importante sa akin ang kiss. Importante sa akin si Mon.

“Hindi ako ‘yung tipo ng babae na basta-basta nagpapahalik. Very comfortable kami ni Mon sa isa’t isa.

“At walang problema ro’n. Wala akong boyfriend. Wala siyang girlfriend.

“Hindi kami nagliligawan, but we’re special to each other.”

Itinanggi ni Carla na nag-lips-to-lips sila ni Raymond. “Smack lang sa cheek,” sey ni Carla.

Nilinaw rin ni Carla na hindi sila lasing ni Raymond noong mga sandaling iyon.

“After the welcome dinner, we were having fun,” kuwento ni Carla. “Nagsayawan kami. Malakas ang music. Socializing.

“Raymond and I are very good friends.”

Si Tita Annabelle ay botong-boto kay Carla para kay Raymond.

Sey ni Bisaya, “Si Carla, maganda, galing sa magandang pamilya, matino at magaling mag-English! Hindi basta-basta!”

Friday, March 06, 2009

Annabelle Rama boto kay Carla Humphries

From TV Patrol World

Link to original article

Nagbanta ngayon si Anabelle Rama na tatanggalin niya ang lahat ng kanyang mga talent sa GMA-7 kabilang si Richard Gutierrez. Boto naman si Anabelle kay Carla Humphries na nakunang kahalikan ng anak na si Raymond. Magpa-Patrol Mario Dumaual. TV Patrol World, Huwebes, Marso 5, 2009

Carla Humphries explains "kissing video" with Raymond Gutierrez

On PEP. Nitz Miralles
Thursday, March 5, 2009

Link to original article



Isinama ni Annabelle Rama ang bagong talent niyang si Carla Humphries kasama si JC de Vera sa emergency presscon na ipinatawag niya kaninang hapon, March 5, sa Max's restaurant sa Roces Ave., Quezon City.

Iniharap ni Annabelle si Carla sa entertainment press para sa dalawang dahilan. Una ay para ipaalam kung bakit pagkatapos mag-audtion ni Carla sa Zorro at pabalikin ng three times ay hindi pa rin siya nakuha bilang isa sa leading ladies ni Richard Gutierrez. Pangalawa ay upang linawin ang isyung paghahalikan nila ni Raymond Gutierrez sa Lago del Rey, Camarines Sur na ipinalabas sa TV Patrol World noong Martes, March 3.

ZORRO AUDITION. In fairness, pagkatapos nang magsalita nina Annabelle at JC pinalabas si Carla para nakasentro sa kanya ang atensiyon at para maayos niyang masagot ang mga tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Ganito ang introduction ni Annabelle kay Carla:

"Taga-ABS CBN siya at nag-audition sa Zorro. Barkada at friend siya ni Raymond, at si Raymond ang nagkumbinsi sa kanyang mag-audition. Nagpaalam siya sa Star Magic at pinayagan naman. Pinabalik siya three times at ibig sabihin, may chance na siya. Tatlo na lang silang naiwan at sabi ni Raymond, malaki ang chance na matanggap siyang isa sa leading ladies at gusto rin siya ni Richard.

"Nang tawagin na siya for confirmation, tinanong siya kung sino ang manager. Nang sabihing si Annabelle, nang malamang ako ang manager, inalis siya. Kung hindi niya sinabing ako ang manager niya, pasok siya sa Zorro."

Sabi naman ni Carla nang makausap siya ng PEP, hindi siya nagsisi na nag-audition siya kahit hindi siya napili at kahit iniwan niya ang ABS-CBN. Puwede pa naman daw siyang bumalik sa Kapamilya network. Kaya lang, wala pang maibigay na project sa kanya ang Kapamilya network at naghihintay siyang magka-project.

"I'm in between work as of now. Hindi ko pa alam kung kailan ako babalik sa ABS-CBN, mag-uusap pa kami ng manager ko," sabi ni Carla.

Kanino napunta ang role niya sa Zorro?

"Kay Rhian [Ramos]," sagot niya. "Hindi ko pwedeng sabihing dapat sa akin ang role na yun dahil desisyon yun ng network. Deserving din naman si Rhian, na incidentally friend ko, at friend ko rin si Bianca King. Hindi ako nakikipag-compete at tanggap ko na kung para sa akin ang project, mapupunta sa akin. Kung sa kanila napunta, ibig sabihin para sa kanila ang project."

Tinanong si Carla kung anong plano niya ngayon dahil wala siya sa ABS-CBN at hindi rin siya nakapasok sa Zorro.

"Nag-usap na kami ni Tita Annabelle, sobrang bait nga niya. She's been trying to help me. Like what I've said, maghihintay na lang ako ng project na para sa akin. Basta, gusto kong magtrabaho."

THE CONTROVERSIAL VIDEO. Personal na napanood ni Carla sa TV Patrol World ang paghahalikan nila ni Raymond sa Camarines Sur. Ano ang reaksiyon niya rito?

"I was shocked!" bulalas niya. "Bothered ang family ko, kinausap nila ako. Naklaro ko sa kanila at sa akin sila naniwala. Hindi naman talaga halik yun. Sumasayaw lang kami, maingay ang music at hindi kami magkarinigan. Akala lang naghalikan kami dahil sa anggulo ng camera. Ang feeling ko, pinalaki lang ang isyu sa amin ni Mon."

Ikinuwento na tuloy ni Carla na lagi silang magkasama ni Raymond sa mga event at comfortable sila sa isa't isa. Kung may halikan man daw, walang masama dahil pareho silang single.

Nabanggit tuloy ng dalaga na break na sila ni John James Uy.

"Importante at special sa akin si Mon at very comfortable kami sa isa't isa. Wala akong boyfriend at wala rin siyang girlfriend, we're just really close. Kung may kiss man, smack lang sa lips. Everyone was having fun that night, nagsayawan kami, alangang magkalayo kami? Malakas ang music kaya pag nag-uusap kami, lumalapit kami," paliwanag ni Carla.

Lasing ba sila ni Raymond that night?

"I was not intoxicated," sabi niya. "Masaya lang kami talaga. We're having fun, we were socializing and after-party yun."

Masaya ba siyang dahil sa "kissing" issue nila ni Raymond ay pinag-usapan siya?

"Ayokong isipin ng tao at ng press that I'm taking advantage of the issue. Respectable ang family ko at ayaw kong isipin ng tao na kung anu-ano ang ginagawa ko," sabi niya.

Bakit parang defensive siya?

"I'm not defensive. I'm just clearing the issue para malinaw," paglilinaw ni Carla, na graduate Gemology Institute of America sa Bangkok, Thailand ng Jewelry Design.

Thursday, March 05, 2009

Ruffa 'envious' of brother Raymond

Link to original article

March 4, 2009
TV Patrol

Ruffa Gutierrez, walang tutol sa pakikipaghalikan ng kapatid niyang si Raymond at isang young star na nakunan sa video. Naiingit pa nga raw siya sa kapatid.

Pero si Annabelle Rama, aalma kaya? 'Yan sa pagpa-Patrol ni Mario Dumaual. TV Patrol World, Miyerkules, Marso 4, 2009

Raymond Gutierrez caught kissing Carla Humphries on cam

Link to original article

ABS-CBN News: TV Patrol
March 3, 2009

Maagang sinalubong ng mga artista ang summer season sa Celebrity Water Sports Challenge sa Camarines Sur.

Pero mas uminit ang mga eksena sa party scenes! Sa exclusive video ng ABS-CBN, huling-huli ang pakikipaghalikan ni Raymond Gutierrez sa isang young celebrity! Magpa-Patrol, Ginger Conejero. TV Patrol World, Martes, Marso 3, 3009

Philstar: Carla biglang uso dahil kay Raymond

Link to original article

Philstar Entertainment: Seen Scene
March 5, 2009



Seen : Ang kissing photo ni Raymond Gutierrez at Carla Humphries na kuha sa Lago del Rey, Camarines Sur.

Nag-leak sa media ang litrato at inilabas ito sa TV Patrol noong Martes. Pinag-uusapan na si Carla dahil sa kissing picture nila ni Raymond.