Link to original article
Ni Nora V. Calderon
FEELING napakasuwerte ni Carla Humphries na kinuha siya to play the role of Isabelle Manahan sa 10,000 Hours, ang entry ng N2 Productions, Philippine Film Studio, Inc. at Viva Films sa 39th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25.
“Robin Padilla po kasi ‘yon, first time ko siyang makatrabaho kaya na-starstruck ako talaga sa kanya,” kuwento ni Carla. “’Tapos sa abroad pa ang shooting at si Bb. Joyce Bernal pa ang director, wala na po akong mahihiling pa. Ten days din po kami nag-stay sa Amsterdam dahil 80% ng movie ay doon kinunan.”
May Dutch dialogue daw siya sa movie, nag-aral ba siya how to speak Dutch?
“My dad is French-American, medyo may alam po ako ng language, pero ang mga kababayan nating mga Pinoy na nandoon na marunong nang magsalita ng Dutch ang nagturo at umalalay sa akin. Konti lang namang Dutch ang dialogue ko, more on English.
Thankful nga ako sa producer namin, si Neil Arce, who is a friend, nang naghahanap sila ng gaganap sa role ni Isabelle, biro ko sa kanya na kapag he needs na foreigner ang peg, willing akong gampanan ang role. Payag daw ba ako na may kissing scene, okey sa akin. Nagpa-blonde pa ako ng hair para sa role.
Nai-shoot namin ni Robin ang kissing scene, pero hindi mapapanood sa movie. Nang mapanood kasi nila, parang hindi bagay ang eksena sa story na fast-paced, kaya tinanggal na lang ni Direk Joyce.”
Napanood na namin ang movie sa premiere night at after the screening, binati namin si Carla sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Isabelle na malaki ang naitulong sa pagtatago ni Sen. Gabriel Molina Alcaraz (Robin) hanggang makabalik ng Pilipinas. Maganda ang role niya, pero ipinakiusap na huwag sabihin kung sino siya dahil isa ito sa twists ng story.
Masaya rin si Carla dahil pumunta ng Pilipinas ang French-Italian boyfriend niya na si Medi Parisot. Singer-record producer sa Nice, Italy si Medi na na-meet niya last year nang dumalaw siya sa lola niya sa Nice. Five years na single si Carla at ngayon lang uli nagka-boyfriend. Pero hindi raw sila masyadong nagkakikila until pumunta sila ng Amsterdam to shoot 10,000 Hours.
Doon na lang nalaman ni Medi na artista siya. Wala silang language barrier dahil marunong mag-English ang boyfriend.
Nakabalik na sila ng Pilipinas nang tawagan siya ni Medi kung may ginagawa raw siya, nang sabihin niyang wala, in two days, pinapunta siya nito sa Brussels at doon sila nag-shoot ng music video ng single ng album nito of the same title, ang Once Is Not Enough.
“Tuwang-tuwa po ako kasi ni-request niya na isu-shoot daw lamang niya ang music video kung ako ang katambal niya. Masaya dahil mapapanood po ako sa Europe. Five days din kaming nag-shoot doon at ipinakilala rin niya ako sa lola niya. Nag-promise siyang a-attend ng premiere night at he will stay here for Christmas and New Year at makikilala na rin niya ang parents ko.”
Congratulations sa buong cast ng 10,000 Hours na pawang mahuhusay ang acting, kay Direk Joyce, sa producers, dahil nabigyan sila ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB). Mahusay naman kasi talaga ang direction at maganda ang flow ng story na sinulat nina Keiko Aquino at Kyla Berico. Kasama rin sa cast sina Mylene Dizon, Michael de Mesa, Bela Padilla, Pen Medina, Alden Richards, Cholo Barretto, Markki Stroemm, Winwyn Marquez, Joem Bascon, Antonio Aquitania, Ping Medina at Bibeth Orteza.
Friday, December 20, 2013
Carla Humphries, happily in love sa French-Italian boyfriend
Posted by CF at 11:00 AM 1 comments
Friday, April 05, 2013
Carla Humphries keeps options open after expiration of TV5 contract; excited about movie role
Link to original article
Carla Humphries keeps options open after expiration of TV5 contract; excited about movie role
Kakatapos pa lang ng kontrata ni Carla Humphries sa TV5.
Pero sa ngayon, wala pa raw siyang plano dahil hindi pa sila nakakapag-usap ng kanyang manager na si Annabelle Rama, na kasalukuyang abala sa pangangampanya bilang kongresista ng Cebu City North District.
“Sa ngayon hindi ko pa alam kung ano ang tadhana ko dito sa show business,” nangingiting sinabi ni Carla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, Abril 5, sa presscon ng kanyang kinabibilangang pelikulang Coming Soon.
“Uhm, pero I just want to be positive.
“Masaya ako na kahit may kontrata na natapos mayro’n akong movie na parating. So, sana suportahan ng mga tao.”
FREELANCE ARTIST. Ngayong tapos na ang kontrata niya sa Kapatid network, bukas naman daw si Carla sa offers na maaaring magmula sa iba’t ibang networks.
Bukod sa “hungry” siya sa magagandang roles, sinabi rin ng aktres na maganda naman ang naging relasyon niya sa TV5 at maging sa pinaggalingan niyang network na ABS-CBN.
Aniya, “Nakatrabaho ko naman na ang Dos and I have a very good relationship with them, wala naman akong bridges na binurn [burn].
“And happy naman ako sa trabaho na ginawa ko sa Five [TV5], uhm, at marami akong bagong kaibigan sa Five.
“Hindi pa ako nakakatuntong ng GMA, pero sa ngayon, gusto ko maging open kung anong puwedeng mangyari.
“So, depende sa offer at kung anong plano.”
Inamin din ng aktres na bukas siya sa pagiging freelance artist, o iyong mga artista na walang exclusive contract sa iisang network.
Pero para kay Carla, mas maganda pa rin kung “ipakita mo ‘yong loyalty mo sa isang istasyon, at iba rin ang tiwalang ibibigay nila sa ‘yo.”
THE BIG BREAK. Samantala, noong question and answer part ng presscon, nasabi ni Carla na ang pelikulang Coming Soon ang masasabi niyang “big break” niya sa kanyang career.
Kasama niya sa pelikulang ito sina Andi Eigenmann, Glaiza de Castro, Boy 2 Quizon, Dominic Roco, at Cholo Barretto.
Kaya naman sa one-on-one interview, nilinaw ng PEP ang sinabing ito ng aktres.
“Well, actually marami naman akong nagawa na big project,” paglilinaw ni Carla.
“Pero ngayon kasi siyempre iba yung freedom ng isang artista na makasama sa isang pelikula na may creative input din kami.
“At saka yung feeling… siyempre it’s different sa mga nagawa ko dati.
“Siyempre bilang artista, gusto ko isipin na bawat project na gawin ko, unang project ko. Kasi para mabigay ko yuong best ko 'tsaka para makita naman ako ng tao in a different light.”
Bagamat labingtatlong taon na siya sa industriya, hinahanap pa rin daw ni Carla ang kanyang “big break.”
Hindi naman daw kailangan ng lead role para makuha niya ang acting break na iyon.
Ang gusto lamang daw niya ay “... yung role na tatatak sa tao, mamahalin ng tao.
“At siyempre I consider myself as a… hindi lang ako Maria Clara, I have a strong personality.
“So if ever, gusto ko na strong din yung ipo-portray ko, at hindi necessarily na kapag strong, kontrabida. Gusto ko yung strong na mabuting tao.”
Hindi pa man nakukuha ang big break na gusto niya, “very content and happy” naman daw si Carla sa kanyang career.
Rason niya, “Siyempre ang daming mga artista na pasulput-sulpot or uhm,,, dumating, naging malaking part at biglang nawala.
“Uhm, malaking pasasalamat ko na hanggang ngayon nandito pa rin ako, na after being discovered by Johnny Manahan at the age of 12 I’m now almost 25, pero hinahanap ko pa rin, at hinahanap pa rin ako ng tao.
“So, nagpapasalamat talaga ako,” pagtatapos niyang saad.
Posted by CF at 11:16 AM 0 comments