Friday, April 05, 2013

Carla Humphries keeps options open after expiration of TV5 contract; excited about movie role

Link to original article

Carla Humphries keeps options open after expiration of TV5 contract; excited about movie role  

Kakatapos pa lang ng kontrata ni Carla Humphries sa TV5. Pero sa ngayon, wala pa raw siyang plano dahil hindi pa sila nakakapag-usap ng kanyang manager na si Annabelle Rama, na kasalukuyang abala sa pangangampanya bilang kongresista ng Cebu City North District.

“Sa ngayon hindi ko pa alam kung ano ang tadhana ko dito sa show business,” nangingiting sinabi ni Carla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, Abril 5, sa presscon ng kanyang kinabibilangang pelikulang Coming Soon.

“Uhm, pero I just want to be positive.

“Masaya ako na kahit may kontrata na natapos mayro’n akong movie na parating. So, sana suportahan ng mga tao.”

FREELANCE ARTIST. Ngayong tapos na ang kontrata niya sa Kapatid network, bukas naman daw si Carla sa offers na maaaring magmula sa iba’t ibang networks.

Bukod sa “hungry” siya sa magagandang roles, sinabi rin ng aktres na maganda naman ang naging relasyon niya sa TV5 at maging sa pinaggalingan niyang network na ABS-CBN.

Aniya, “Nakatrabaho ko naman na ang Dos and I have a very good relationship with them, wala naman akong bridges na binurn [burn]. “And happy naman ako sa trabaho na ginawa ko sa Five [TV5], uhm, at marami akong bagong kaibigan sa Five.

“Hindi pa ako nakakatuntong ng GMA, pero sa ngayon, gusto ko maging open kung anong puwedeng mangyari. “So, depende sa offer at kung anong plano.” Inamin din ng aktres na bukas siya sa pagiging freelance artist, o iyong mga artista na walang exclusive contract sa iisang network.

Pero para kay Carla, mas maganda pa rin kung “ipakita mo ‘yong loyalty mo sa isang istasyon, at iba rin ang tiwalang ibibigay nila sa ‘yo.”

THE BIG BREAK. Samantala, noong question and answer part ng presscon, nasabi ni Carla na ang pelikulang Coming Soon ang masasabi niyang “big break” niya sa kanyang career. Kasama niya sa pelikulang ito sina Andi Eigenmann, Glaiza de Castro, Boy 2 Quizon, Dominic Roco, at Cholo Barretto. 

Kaya naman sa one-on-one interview, nilinaw ng PEP ang sinabing ito ng aktres. “Well, actually marami naman akong nagawa na big project,” paglilinaw ni Carla. “Pero ngayon kasi siyempre iba yung freedom ng isang artista na makasama sa isang pelikula na may creative input din kami.

“At saka yung feeling… siyempre it’s different sa mga nagawa ko dati. 

“Siyempre bilang artista, gusto ko isipin na bawat project na gawin ko, unang project ko. Kasi para mabigay ko yuong best ko 'tsaka para makita naman ako ng tao in a different light.”

Bagamat labingtatlong taon na siya sa industriya, hinahanap pa rin daw ni Carla ang kanyang “big break.” Hindi naman daw kailangan ng lead role para makuha niya ang acting break na iyon. Ang gusto lamang daw niya ay “... yung role na tatatak sa tao, mamahalin ng tao.

“At siyempre I consider myself as a… hindi lang ako Maria Clara, I have a strong personality.

“So if ever, gusto ko na strong din yung ipo-portray ko, at hindi necessarily na kapag strong, kontrabida. Gusto ko yung strong na mabuting tao.”

Hindi pa man nakukuha ang big break na gusto niya, “very content and happy” naman daw si Carla sa kanyang career. Rason niya, “Siyempre ang daming mga artista na pasulput-sulpot or uhm,,, dumating, naging malaking part at biglang nawala.

“Uhm, malaking pasasalamat ko na hanggang ngayon nandito pa rin ako, na after being discovered by Johnny Manahan at the age of 12 I’m now almost 25, pero hinahanap ko pa rin, at hinahanap pa rin ako ng tao.

“So, nagpapasalamat talaga ako,” pagtatapos niyang saad.