Friday, June 10, 2011

Carla Humphries on her career: "I hope there's more to come"

Link to original article

Carla Humphries on her career: "I hope there's more to come, pero ngayon ko nararamdaman na nasusulit ako bilang artista."

By Jocelyn Jimenez
Thursday, June 9, 2011

Excited ang buong cast ng ng TV5 primetime series na Mga Nagbabagang Bulaklak dahil simula sa Lunes, June 13, na ang finale week nito.

Isa na rito si Carla Humphries.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carla sa taping ng Mga Nagbabagang Bulaklak kahapon, June 8, sa Fairview, Quezon City, sinabi nitong masayang-masaya siya at naging bahagi siya ng programang ito.

"Sobrang saya!" bulalas niya.

"Nagbait-baitan [ako], naging dancer, artista, action star, mental patient...

"Tapos may panibagong character na ma-introduce kaya ako nagpaputol [ng buhok].

"Talagang nasulit ako bilang artista, at naengganyo ako sa role ko.

"At sobrang saya kong naging parte ako ng magandang production, na pinagkatiwala ang ganitong role sa akin.

"Sobrang pinagkakatiwalaan nila ako sa mga eksena na nakakaengganyo."

LESSONS LEARNED. Sa kanyang first drama series sa Kapatid network, madami na agad nakatrabahong beteranong artista si Carla.

Kaya naman sinasamantala niya raw ito para makakuha siya ng mga aral kung paano pa niya mapagbubuti ang kanyang pagganap.

"Not everyone makes the most of those kinds of opportunities, makasama mo yung isang veteran na artista.

"So ako, I really try to make it a point na to get pointers," sabi ni Carla.

Isa raw sa madalas magpayo sa kanya ay si Sheryl Cruz, na nagsimula bilang child star sa mga pelikula.

"Nung unang kinausap ako ni Ms. Sheryl, naiiyak ako.

"Kasi nag-uumpisa akong magkontrabida at ang daming nagalit sa akin, as in ang dami!

"Na ako, siyempre ang tao, binibigyan ko ng halaga yung opinion ng ibang tao to a fault.

"So, nung time na yun, kinausap niya ako na, 'You know it means you're being effective, you should be flattered, 'tsaka gawin mo yung best mo.'

"Sabi niya, 'Puwede mo iba-ibahin yung looks mo.'

"She assured me na 'Magaling ka.'

"So, she gave me confidence, and minsan kasi when you're at the middle of doing something, hindi mo alam kung tama o mali.

"She really assured me na 'Okay lang 'yan, it's normal what you're going through, give it your best.'"

Mula sa pagiging isa sa mga inaapi, kalaunan ay isa na sa mga nang-aapi si Carla.

Malaki raw ang naging tulong ng mga payo at papuri na natatanggap niya.

"Siyempre, hindi ko nilalagay sa ulo yun, nilalagay ko sa puso.

"Of course, hindi ako naniniwala na magaling ako.

"Pero siyempre, I want to grow as an artist, as a person.

"Ayaw kong makuntento ako sa nararating ko or nagagawa ko.

"I want to be the best that I can be.

"Parang ganun na, I'm so blessed, at yung narating ng character ko, hindi yun planado, bigla lang nangyari.

"Yung mga ganung bagay na I never thought I'll do, and I never thought I'll be able to do, but they took a chance on me.

"Parang I was able to do it, and I was able to have confidence na, 'A, kaya ko pala 'to.'"

BETTER ACTRESS. Nakapasok si Carla sa showbiz nang madiskubre siya ni Johnny Manahan, ang chairman emeritus ng Star Magic, at inimbitahan na sumali sa talent workshop ng ABS-CBN.

Hanggang noong 2003, naging isa siya sa talents na ini-launch ng Star Circle 11.

Nagsimula sa teeny-bopper roles, ngayong taon ay handa na raw si Carla to play more mature roles.

Sinimulan niya ito nang mag-cover siya sa January issue ng FHM, na kaagad sinundan ng Mga Nagbabagang Bulaklak.

Bagamat naging mabilis ang mga pagbabago, masaya siya sa takbo ng kanyang career sa ngayon.

"Happy ako kasi hindi ako bina-box up ng TV5," sabi ni Carla.

"Kasi yung role ko, isa sa mga challenges niya is—umpisa naging bait-baitan, naging dancer ako, naging maldita, naging kontrabida, naging mental patient, naging action star—na ang daming natahak ng character ko.

"It's a dream project of every actress, kasi makikita mo yung abilidad ng isang artista sa lawak ng pinapagawa sa 'yo ng production."

Bagamat matagal na rin sa showbiz, masasabi raw ni Carla na mas nadagdagan pa ang kanyang experience pagdating sa pag-arte.

"I hope there's more to come, pero ngayon ko nararamdaman na nasusulit ako bilang artista, na kahit papaano naramdaman kong artista ako.

"Kasi, ang dami-daming gusto mag-artista, ang dami-daming pumapasok sa showbiz, ang dami-daming ang bilis ng career, dumarating, nawawala.

"I can say na dito, nagkaroon ng depth, nagkaroon ng paghuhugutan. Yun na nga, naging malawak yung nagawa ng character ko."

Dagdag pa niya, "Suwerte ako nang mabigyan ako ng ganitong role, kasi I feel like nag-grow ako.

"Kasi lahat ng roles ko, na-appreciate ko. When I was in [Channel] 2, na-appreciate ko lahat ng projects ko.

"Hindi naman ako ingrata na sinabi ko, only now I get a good role in my life.

"Pero this year, I'm happy to start na with a station that's growing and nakikipagsabayan ako sa paglago niya."

Ang Mga Nagbabagang Bulaklak daw ang first "risky-sexy" role ni Carla. Kaya naman nasubukan daw talaga ang kakayahan niya bilang aktres.

"Nagbabagang Bulaklak tested my limits," sabi niya.

"At nang tinest nila yung limits ko, I gained the confidence in myself that I never thought I'll be capable of doing before.

"So, nag-grow ako. I feel like I've become a more mature actress.

"So that's how it helped me realize na iba ang character acting, na minsan hindi na-appreciate ng ibang artista.

"Pero ngayon na bukas ang mata ko, na I can't be immature anymore para magpa-girl.

"I cannot be a teeny-bopper, pa-cute, pa-cute.

"I'm blessed na nabigyan ako ng substantial role to break free of that role."

NO LOVELIFE. Naging abala si Carla sa tapings ng kanyang show na nag-run ng halos apat na buwan.

Kaya naman hindi maiwasan tanungin ng ilan kung may oras pa ba siya para sa lovelife.

"Well, sa sobrang blessed ko sa trabaho, may bayad yun—wala 'kong lovelife, wala 'kong social life!" natatawang sagot ng young actress.

"So, hindi ko naiisip [yun] ngayon, "[Pero] dahil sa trabaho ko, I'm excited to wait for that person.

"The right person comes once in a blue moon.

"So I'm not in a rush, so it's been a while since I was in a relationship."

Ang huling naging boyfriend ni Carla ay ang model-actor na si John James Uy, na natapos three years ago.

Ngayong lumipas na ang tatlong taon matapos ang breakup, ano na ang dream guy niya?

"Ako, honestly, I want someone that lives in a different world, from the world that I live in.

"Someone that I can learn from, someone who will expose me to things that are different para mag-grow din ako.

"I'm all about growth and learning, and someone who is loyal, kasi loyal akong tao."

Nang sinabi niyang "different world," ibig ba niyang sabihin ay non- showbiz boyfriend na ang hanap niya?

"Alam mo, pilit kong sinasabi yun, pero parang I only had two boyfriends but they're both from showbiz.

"So, hindi ko pa rin masasabi. Pero sana not from this industry.

"Kasi siyempre, ito na yung mundo ko, I want when I get home or what, that's my escape, parang ganun."

Kaya naman ang mensahe ni Carla sa maaring maging future boyfriend niya: "When I choose to love someone, I only love that person so I really appreciate loyalty and trust, someone that's God- fearing, someone who will bring me closer to God, someone who will make me a better person."

No comments: