Wednesday, June 15, 2011

Carla not proud during her stay in ABS-CBN?

Link to original article

Carla Humphries is not proud during her stay in ABS-CBN?
Wednesday, June 15, 2011, 1:14

LAGI PALANG NAGDADA-LAWANG-ISIP noon si Carla Humphries kung ano ang isasagot kapag tinatanong ng mga kaibigan niya kung ano ang kanyang trabaho. Aminado ang aktres na hindi siya ‘proud’ noon na nasa showbiz siya. Ito raw ‘yung mga panahong ‘one-of-those’ lang siya sa talents ng Star Magic ng ABS-CBN.

“Kasi, ‘di ba, ‘pag nasa showbiz ka parang ang baduy? Some of my friends kasi sa abroad, hindi alam na artista ako rito. Kaya parang medyo hindi talaga ako proud na sabihing artista ako,” pahayag ni Carla.

Pero nagbago ang pananaw ni Carla nang mapasama siya sa Mga Nagbabagang Bulaklak ng TV5, na magtatapos na this week. “Dito kasi parang nagawa ko na ang lahat. Nagpaka-aksyon kami, nag-drama, nagpaseksi, as in, talagang na-test dito nang husto ‘yung pagiging artista namin. Everybody’s happy naman sa naging resulta.

Medyo nakakalungkot lang, kasi, magtatapos na nga siya,” sey pa ng seksing aktres.

Marami ba siyang mami-miss sa kanilang teleserye?

“Marami talaga. Pero ang talagang mami-miss ko ‘yung bonding namin dito. Iba kasi ang naging samahan namin dito,” aniya.

Bumilang din ng ilang taon bago nagpasyang iwan ni Carla ang Star Magic. She is now under Annabelle Rama’s management.

“Si Tita Annabelle, parang anak ang turing niya sa amin. Biglang tatawag na lang ‘yan, ‘Anak, anong ginagawa mo? Sama ka sa akin, magsimba tayo sa Cebu!’ Gano’n. Saka napakamaasikaso niya, lagi ka niyang pakakainin. Kahit anong gusto mo, bibilhin niya sa ‘yo. I am thankful na siya ang manager ko, and it was really a wise decision,” sabi pa ni Carla.

Hindi ba siya naasikaso noon sa Star Magic?

“Hindi naman sa ganoon. I will always be grateful sa Star Magic. Maayos akong nagpaalam sa kanila. Kaya lang, ang dami kasi namin doon. Parang mahirap na mapansin ka,” aniya.

Halos nasubaybayan namin ang pagdadalaga ni Carla, mula sa pa-tweetum na ka-loveteam ni Janus del Prado, na naging boyfriend niya rin, hanggang naging January cover girl na siya ng FHM this year. Pero mula noon at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago si Carla. And we have to say she’s one of the few artists na hindi nagkaka-amnesia.

Lagi naming sinasabi sa aktres na hindi namin makakalimutan ang performance niya noon sa Maalaala Mo Kaya, kung saan gumanap siya na isang pilay.

“Alam n’yo, ‘yung iba ring nakakausap ko, ‘yan din ang sinasabi nila sa akin. Talagang ‘yun daw ang naalala nila sa akin,” nakangiting sabi rin ni Carla.

Ngayong nagpaseksi na siya at tumanggap na ng mature roles, may limi-tasyon pa rin ba siya?

“Hindi naman po ako puwede sa all-out sexy. Saka ayaw rin po naman ni Tita Annabelle nu’n,” pagtatapos niya.

Bore Me
by Erik Borromeo

Friday, June 10, 2011

Carla Humphries on her career: "I hope there's more to come"

Link to original article

Carla Humphries on her career: "I hope there's more to come, pero ngayon ko nararamdaman na nasusulit ako bilang artista."

By Jocelyn Jimenez
Thursday, June 9, 2011

Excited ang buong cast ng ng TV5 primetime series na Mga Nagbabagang Bulaklak dahil simula sa Lunes, June 13, na ang finale week nito.

Isa na rito si Carla Humphries.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carla sa taping ng Mga Nagbabagang Bulaklak kahapon, June 8, sa Fairview, Quezon City, sinabi nitong masayang-masaya siya at naging bahagi siya ng programang ito.

"Sobrang saya!" bulalas niya.

"Nagbait-baitan [ako], naging dancer, artista, action star, mental patient...

"Tapos may panibagong character na ma-introduce kaya ako nagpaputol [ng buhok].

"Talagang nasulit ako bilang artista, at naengganyo ako sa role ko.

"At sobrang saya kong naging parte ako ng magandang production, na pinagkatiwala ang ganitong role sa akin.

"Sobrang pinagkakatiwalaan nila ako sa mga eksena na nakakaengganyo."

LESSONS LEARNED. Sa kanyang first drama series sa Kapatid network, madami na agad nakatrabahong beteranong artista si Carla.

Kaya naman sinasamantala niya raw ito para makakuha siya ng mga aral kung paano pa niya mapagbubuti ang kanyang pagganap.

"Not everyone makes the most of those kinds of opportunities, makasama mo yung isang veteran na artista.

"So ako, I really try to make it a point na to get pointers," sabi ni Carla.

Isa raw sa madalas magpayo sa kanya ay si Sheryl Cruz, na nagsimula bilang child star sa mga pelikula.

"Nung unang kinausap ako ni Ms. Sheryl, naiiyak ako.

"Kasi nag-uumpisa akong magkontrabida at ang daming nagalit sa akin, as in ang dami!

"Na ako, siyempre ang tao, binibigyan ko ng halaga yung opinion ng ibang tao to a fault.

"So, nung time na yun, kinausap niya ako na, 'You know it means you're being effective, you should be flattered, 'tsaka gawin mo yung best mo.'

"Sabi niya, 'Puwede mo iba-ibahin yung looks mo.'

"She assured me na 'Magaling ka.'

"So, she gave me confidence, and minsan kasi when you're at the middle of doing something, hindi mo alam kung tama o mali.

"She really assured me na 'Okay lang 'yan, it's normal what you're going through, give it your best.'"

Mula sa pagiging isa sa mga inaapi, kalaunan ay isa na sa mga nang-aapi si Carla.

Malaki raw ang naging tulong ng mga payo at papuri na natatanggap niya.

"Siyempre, hindi ko nilalagay sa ulo yun, nilalagay ko sa puso.

"Of course, hindi ako naniniwala na magaling ako.

"Pero siyempre, I want to grow as an artist, as a person.

"Ayaw kong makuntento ako sa nararating ko or nagagawa ko.

"I want to be the best that I can be.

"Parang ganun na, I'm so blessed, at yung narating ng character ko, hindi yun planado, bigla lang nangyari.

"Yung mga ganung bagay na I never thought I'll do, and I never thought I'll be able to do, but they took a chance on me.

"Parang I was able to do it, and I was able to have confidence na, 'A, kaya ko pala 'to.'"

BETTER ACTRESS. Nakapasok si Carla sa showbiz nang madiskubre siya ni Johnny Manahan, ang chairman emeritus ng Star Magic, at inimbitahan na sumali sa talent workshop ng ABS-CBN.

Hanggang noong 2003, naging isa siya sa talents na ini-launch ng Star Circle 11.

Nagsimula sa teeny-bopper roles, ngayong taon ay handa na raw si Carla to play more mature roles.

Sinimulan niya ito nang mag-cover siya sa January issue ng FHM, na kaagad sinundan ng Mga Nagbabagang Bulaklak.

Bagamat naging mabilis ang mga pagbabago, masaya siya sa takbo ng kanyang career sa ngayon.

"Happy ako kasi hindi ako bina-box up ng TV5," sabi ni Carla.

"Kasi yung role ko, isa sa mga challenges niya is—umpisa naging bait-baitan, naging dancer ako, naging maldita, naging kontrabida, naging mental patient, naging action star—na ang daming natahak ng character ko.

"It's a dream project of every actress, kasi makikita mo yung abilidad ng isang artista sa lawak ng pinapagawa sa 'yo ng production."

Bagamat matagal na rin sa showbiz, masasabi raw ni Carla na mas nadagdagan pa ang kanyang experience pagdating sa pag-arte.

"I hope there's more to come, pero ngayon ko nararamdaman na nasusulit ako bilang artista, na kahit papaano naramdaman kong artista ako.

"Kasi, ang dami-daming gusto mag-artista, ang dami-daming pumapasok sa showbiz, ang dami-daming ang bilis ng career, dumarating, nawawala.

"I can say na dito, nagkaroon ng depth, nagkaroon ng paghuhugutan. Yun na nga, naging malawak yung nagawa ng character ko."

Dagdag pa niya, "Suwerte ako nang mabigyan ako ng ganitong role, kasi I feel like nag-grow ako.

"Kasi lahat ng roles ko, na-appreciate ko. When I was in [Channel] 2, na-appreciate ko lahat ng projects ko.

"Hindi naman ako ingrata na sinabi ko, only now I get a good role in my life.

"Pero this year, I'm happy to start na with a station that's growing and nakikipagsabayan ako sa paglago niya."

Ang Mga Nagbabagang Bulaklak daw ang first "risky-sexy" role ni Carla. Kaya naman nasubukan daw talaga ang kakayahan niya bilang aktres.

"Nagbabagang Bulaklak tested my limits," sabi niya.

"At nang tinest nila yung limits ko, I gained the confidence in myself that I never thought I'll be capable of doing before.

"So, nag-grow ako. I feel like I've become a more mature actress.

"So that's how it helped me realize na iba ang character acting, na minsan hindi na-appreciate ng ibang artista.

"Pero ngayon na bukas ang mata ko, na I can't be immature anymore para magpa-girl.

"I cannot be a teeny-bopper, pa-cute, pa-cute.

"I'm blessed na nabigyan ako ng substantial role to break free of that role."

NO LOVELIFE. Naging abala si Carla sa tapings ng kanyang show na nag-run ng halos apat na buwan.

Kaya naman hindi maiwasan tanungin ng ilan kung may oras pa ba siya para sa lovelife.

"Well, sa sobrang blessed ko sa trabaho, may bayad yun—wala 'kong lovelife, wala 'kong social life!" natatawang sagot ng young actress.

"So, hindi ko naiisip [yun] ngayon, "[Pero] dahil sa trabaho ko, I'm excited to wait for that person.

"The right person comes once in a blue moon.

"So I'm not in a rush, so it's been a while since I was in a relationship."

Ang huling naging boyfriend ni Carla ay ang model-actor na si John James Uy, na natapos three years ago.

Ngayong lumipas na ang tatlong taon matapos ang breakup, ano na ang dream guy niya?

"Ako, honestly, I want someone that lives in a different world, from the world that I live in.

"Someone that I can learn from, someone who will expose me to things that are different para mag-grow din ako.

"I'm all about growth and learning, and someone who is loyal, kasi loyal akong tao."

Nang sinabi niyang "different world," ibig ba niyang sabihin ay non- showbiz boyfriend na ang hanap niya?

"Alam mo, pilit kong sinasabi yun, pero parang I only had two boyfriends but they're both from showbiz.

"So, hindi ko pa rin masasabi. Pero sana not from this industry.

"Kasi siyempre, ito na yung mundo ko, I want when I get home or what, that's my escape, parang ganun."

Kaya naman ang mensahe ni Carla sa maaring maging future boyfriend niya: "When I choose to love someone, I only love that person so I really appreciate loyalty and trust, someone that's God- fearing, someone who will bring me closer to God, someone who will make me a better person."

Monday, April 18, 2011

Carla in Preview's StreetStyle

Link to original blogpost

Carla appears in Preview Magazine's April 2011 issue in the Street Style section.



Photo shot by Roy Macam at the Ronac Art Center

Monday, March 21, 2011

Carla in MNB Pilot

Carla as Ivy in 'Mga Nagbababagang Bulaklak'

Carla is Ivy in TV5's primetime series "Mga Nagbabagang Bulaklak" which airs weeknights beginning March 21, 2011 after "Babaeng Hampaslupa".

From the Trailer



From the official cast photos



From PEP

Mga Nagbabagang Bulaklak highlights Carla Humphries' transformation into a serious actress.

"Na-inspire ako sa trabaho," she reveals during the presscon held at Teatrino in Greenhills, San Juan.

"Ang tagal-tagal ko ng wallflower, safe yung answers ko, mabait parati—so hindi ako napapansin. Kailangan lumaban ako in a way. Kailangan kong galingan ang sarili ko."

Saturday, March 19, 2011

Carla on her Kontrabida Role

Carla Humphries on her kontrabida role: "Bongga! May tarayan, sampalan, at costume malfunction."

by Melba R. Llanera
Saturday, March 19, 2011

Link to original article

Isa si Carla Humphries sa mga artistang iba man ang network na pinagsimulan ay ipinu-push at inaalagaan sa ngayon ng TV5.

Kasama si Carla sa magsisimulang serye ng Kapatid Network this coming March 21, ang Mga Nagbabagang Bulaklak. Kontrabida ang role niya dito — kaaway ng karakter ni Valerie Concepcion.

Sa presscon ng teleserye last March 15 sa Teatrino Promenade, ikunuwento ni Carla sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kakaibang karakter na ginagampanan niya.

"Galing ako sa kahirapan tapos naging backup dancer ni Violet (Valerie), hanggang sa natalbugan ko siya. Yung character ko dito as Ivy Amor, gagawin ko ang lahat para mawala sa kanya yung atensyon, yung mga opportunities," aniya.

Ayon kay Carla, dapat abangan ang mga tarayan nila dito ni Valerie, bukod sa mga showdowns na gagawin nila nang madalas.

"Bonggang-bongga ang mga tarayan namin, hindi lang sa dance floor... May mga sampalan, may pagsasabotahe... may malfunction ng mga costumes. Bale siya yung star dancer, papalitan ko yung trono niya, aagawin ko ang lahat sa kanya.

"Palaban siya pero ang difference namin ni Val, ako pailalim, kumbaga pa-sweet ako parati pero planado lahat ng gagawin ko, may agenda ako para sumikat," paliwanag niya.

Siniguro sa amin ni Carla na kung anumang makikitang tarayan sa kanila ni Valerie, ito ay hanggang sa mga characters lamang nila sa nasabing teleserye.

"Napakabait ni Val, walang kiyeme, tawa lang nang tawa. Marinig mo lang ang tawa niya, alam mong siya na yung parating. Wala akong masasabi sa kanya."

Kasama rin sa nasabing soap opera ang mga batikang artista na sila Phillip Salvador, Richard Gomez at iba pa na sobrang hinahangaan ni Carla sa industriya.

"Sobrang saya ko kasi makakasama ko si Kuya Goma. Actually nakasama ko na siya before sa My Driver, Sweet Lover so nakita ko na kung gaano siya kahusay na aktor... Ngayon ko lang makakasama si Ate Ruffa, si Kuya Ipe so nakaka-overwhelm at nakaka-excite kasi alam kong maganda ang kalalabasan ng Mga Nagbabagang Bulaklak."

Kinumusta namin ang love life ni Carla. Inamin ng aktres na tatlong taon na pala siyang walang boyfriend at so far, ay ine-enjoy niya ang pagiging single.

"Wala akong boyfriend, three years na. My last boyfriend was John James [Uy]. Nag-aral ako sa Thailand... Pagbalik ko, we outgrew each other na. Bata pa kami and I guess I wanted to concentrate on some other things," Kwento ni Carla.

"Sa totoo lang, ngayon ko lang na-enjoy maging single. Ang sarap pala ng feeling na wala kang iniisip na ibang tao, at saka talagang naaalagaan mo yung sarili mo, yung health mo.

"Lahat kasi yun napapabayaan mo pag mayroon kang special someone at dun ka nakatutok. Naka-focus ka lagi sa kanya kaya nane-neglect mo yung ibang aspeto ng buhay mo."

Thursday, February 03, 2011

Star Confessions: NLEX Body

This week's episode of Star Confessions features the story of Diane Marie Santos, who is better known as Rejoice Rivera of Baywalk Bodies.

This episode aired on February 2, 2011 on TV5 with the title "NLEX Body: The Rejoice Rivera Murder Mystery"

Thursday, January 20, 2011

Carla's FHM Interview

Link to original article

Interview | Photos | Profile Carla Humphries - January 2011 FHM Cover Girl
PHOTOGRAPHY: DOC MARLON PECJO
INTERVIEW: LOU ALBANO
STYLING: DARYL CHANG
MAKEUP: SOLENN HEUSSAF
HAIR: VIANNEY GUESE
SPECIAL THANKS TO MS. ANNABELLE RAMA, RAYMOND GUTIERREZ, VINCE UY, LIZ UY, JUM LALIN, AIRGURUS LOGISTICS
January 19, 2011

More photos available at the FHM Website

Welcome to FHM!
You know, this is my first sexy pictorial.

Thank you, we feel very honored.
Ever since I turned 18, tinatanong na ako kung puwede ba akong mag-men’s magazine. Eh, before talaga, and because I come from a conservative family, talagang hindi pumasok sa isip kong magagawa ko ito. I was so young, hindi ko pa kilala sarili ko, hindi pa ako ganun ka-confident. Kung sa beach nga, hindi ako masyadong rumarampa nang naka-bathing suit. It just never occurred to me.

So what finally made you change your mind?
Raymond [Gutierrez] asked me if I’d be willing to do a cover. Sabi ko, hindi ko kaya. Sabi niya, “Sure ka?” I said no. And then he called again, sabi niya, “I have a good team. Maganda yung concept, puwede mong pilian” and lahat ng kasali sa shoot, friends ko. Vince Uy is a very close friend, he’s the brother of Liz whom I’m very close to also. Solenn, is a very dear friend and she offered to do my makeup. The stylist Daryl Chang also works with Liz and Vince tapos Doc Marlon pa, so ang ganda ng team.


Wow, so we have Raymond to thank for all this.
Sabi niya, “Ano ka ba? Legal ka na rito at sa buong mundo!” Oo nga naman. And a real actress, hindi naman puwedeng habang buhay, iisa lang ang role na pino-portray. Nung lumipat ako sa TV5, first step yun. Since na-expose na ako sa change, I want to boost it up a bit more. I should give it my all.

Any regrets that you, maybe, want to compensate for with this shoot?
We all went to Macau for tita Anabelle’s birthday, Royal Era and her family, and decided we would all bungee jumping. I guess the regret is that after I made up my mind to conquer my fear, we didn’t get the chance, cause our schedule didn’t permit it. So when we got back and Raymond asked me again, I decided, the (FHM shot) would be my bungee jump.

And?
I’m so happy. Everybody had a fun time, tapos bongga pa! Not only did we ride one helicopter, we rode two! And it was our first time, most of us! Ang saya kasi we experienced it all together. And I realized, para sa ibang tao,FHM is just sexy. But no. I think it’s celebrating your womanhood and it’s celebrating a woman taking power of her femininity and not being ashamed of her body or of who she is. Kumbaga, you’re stripped of any inhibitions and you’re just being yourself. It’s a beautiful thing, actually. It’s so exciting. I even held a flare, first time din yun!

A lot of firsts for you.
First time ko ring pumunta ng Zambales! Napakaganda pala ng Pilipinas. I think it’s great na puwedeng ipakita ng FHM hindi lang magagandang Filipina, kundi napakaganda ng Pilipinas.

Great to hear you had fun.
Nag-enjoy ako! Exciting siya. Kanina nung nasa harap ako ng camera, I felt empowered. I never thought I’d appear in a men’s magazine.

Why is that? You were rather very confident and you exuded such sexiness.
It could be very unexpected to some, and even to myself, but I guess I do have it in me and I am sexy! I think every woman has this sexiness in them, they just have to turn it on.

READ CARLA'S FULL INTERVIEW ON THE JANUARY 2010 ISSUE OF FHM!

Friday, January 14, 2011

Young Star: How To's of Hotness

Link to original article

The how to's of hotness
By Adrian Carlo Velasco (The Philippine Star)
Updated January 14, 2011 12:00 AM

Photos by Roy Macam
Styled by Alyanna Martinez
Makeup and hair by Raymond Ko
Shot on location at Edsa Shangri-La Manila


January’s hottest: With her recent launch as FHM covergirl, TV5 star Carla Humphries reinvents herself as a versatile artist. Swimsuit by Charina Sarte.

MANILA, Philippines - Fortunately, we don’t need to be reminded about getting fit these days. There’s more motivation now when it comes to exercising and hitting the gym. Vanity has probably saved us, coupled with paranoia about diseases. But primarily, more people dream of having nice arms and chiseled abs. And there’s nothing wrong with that.

In fact, “hotness” brings in the good vibes and we’ve got TV5 star Carla Humphries and model newbie Deny Barros — Young Star’s “sickest” Body-of-the-Moment recipients — to prove it.

It can even fix a broken heart. “When I broke up with my (last) boyfriend, I started spending more time with my friends and realizing that taking care of yourself and looking your best and feeling your best is so important... And really getting fit helped so much,” Carla, who just came out with her first body-licious FHM cover this month, reveals.

The newly reinvented actress shows us how fitness evokes change.

Carla Humphries, 22, Actress

How to's for a hot body: I do cardio for 30 to 40 minutes, every other day. I do a little weights. And then when I feel like I've done so much weights, I do yoga to stretch it up. I'm not at the peak of my body but I'm getting there. It takes a long time to get to your goal. But you'll feel like you're in euphoria when you get to that point when you worked so hard for your body... I do this exercise, it's like plyo. It's a routine of several exercises. It's in a circle and you have to finish it in a span of 30 minutes so you do the circle three times. There's music and then it stops. Then, you shift to the next exercise. It's a mixture of cardio and muscle build up.

Problem areas: Like a lot of girls out there, I have trouble with my abdominal areas. It's the heardest and (takes) the longest (workout). Until now, it's not where I want it to be, like I want Jessica Alba's abs-kind-of-thing. But I'm getting there. The weird thing is when you do abs sometimes you still feel bloated. But after a week, that's when you see (the change).

Body heat and what you eat. It was hard for me to train because I love sweets. I eat my main course to get to the sweets. But then, I started getting fitter, I didn't crave as much for the food that I was craving for.

Rules of attraction. If you asked me this last year, I'd say you're asking the wrong person. But right now, I think I know. I just discovered that the best way to attract people in general is just being open to meeting new people and just talking about things that interest you and you're passionate about; being confident and smiling and laughing a lot. When a person sees that you're such fun to speak to, people will really be drawn to you.

No vain, no gain. My favorite vanity practice is being happy, spending time with friends, and just always smiling helps a lot. Do you know that when you put a good scent on, it changes your aura? So, whenI put coconut on, I feel beachy. And when I put KNY's Be Delicious! on I feel so fresh... My big thing is taking care of the skin. I try to put sunblock every day and moisturizer. And I love to get my nails done.

Break-up breakthrough. I've been single for over two years. I was going through a lot of changes in my life that I didn't really know how to deal with and my mind was all over the place. What I figured out is that when you jog, when you get fit and take care of yourself physically and internally, it clears out your mind. WHen you're so busy and stressed, you end up sluggish and just in bed because you're just mentally tired. When you make the steps to get out of bed and not fill your body with junkfood, you get a clearer mindset and more positive outlook in life. You just feel you can do anything.

Work of heart.When you learn how to love yourself and take care of yourself on your own, that's the time when it's easier for someone to find you and fall in love with you. Sometimes you have to realize what you want and what you want to do. If you're always thinking about being in a relationship, you forget what your goals are for yourself. I think it's very healthy for you to spend time with yourself.

Saturday, January 08, 2011

iCandy debut performance on Feb 12

Link to original article

Excerpt:

Carla is a good singer and she’s part of Royal Artists Management’s all girl group, I Candy, along with Bubbles Paraiso, Arci Munoz and Ehra and Michelle Madrigal, who’ll debut as performers in the “I Valentine U” concert of Ogie Alcasid and Pops Fernandez at Crowne Plaza Hotel on February 12.

For tickets, call Royal Artists Management at 727-2534, 727-2536.

Tuesday, January 04, 2011

Desert Fox

Thanks to FHM for making this sneak peek available.



Available on newsstands this month.