Monday, January 16, 2006

Another Bulgar Article on JaRla's MMK

Iskup!!!
Ni Len Llanes
Email:
len_llanes@yahoo.com
January 16, 2006

Nagkakamubutihan na pala sa tunay na buhay itong sina Carla Humphries at Janus del Prado, magka-love team noon sa QPIDS ng ABS CBN. Ang alam lang kasi namin ay itong sina Mhyco Aquino at Hazel Ann Mendoza ang mag-on sa tunay na buhay.

Kaya pala ang galing umarte ni Carla sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya two weeks ago kung saan ginampanan nito ang papel ng isang pilantod, naturuan siguro ito nang husto ni Janus.

Kasi when it comes to acting, proven naman na talaga ang talent ng anak na ito ng dating kontrabidang si Renato del Prado. Nahasa ang acting ni Janus sa mga kamay ni Direk Peque Gallaga.

Sa kabilang dako, unexpected ang galing ni Carla sa pag-arte. Bukod kasi sa isang Amerikano ang tatay nito kaya siyempre, supposedly ay hirap siya sa local language, she comes from a well-off family pa na usually ay setback ng ilang artista natin.

Governor ng Batangas (ewan lang namin kung hanggang ngayon o in the past) ang lola nito, so, natural na everything is provided for para sa kanya kahit ‘di siya magtrabaho.

Pero in one-on-one interview sa kanya in the past, she personally told us na talagang gustung-gusto niyang mag-artista, kahit nu’ng maliit pa siya. And she is out to prove her worth.

So, sa mga wannabes diyan, kuwidaw kayo. Here comes Carla at Janus.

_____

This entry is crossposted on the Janus del Prado Fanblog.

No comments: