Wednesday, January 11, 2006

Bulgar Article on JaRla's MMK

ADORE ME!
Ni Ador V. Saluta
January 10, 2006

Sunud-sunod na text messages ang aming natanggap habang pinapanood namin ang Maalaala Mo Kaya last Thursday. Ang iba’y nagtatanong kung sino raw ‘yung bidang babae na katambal ni Janus del Prado. Napakagaling daw kasi nitong umarte.

Sa totoo lang, bibihira pa lamang ang nakakaalam na ang kanilang pinapanood na young actress ay si Carla Loren Humphries. Si Carla ay matagal ding na-freeze sa pool ng Talent Center artists dahil sa pagiging bulol nito sa Tagalog. Isang Fil-Am si Carla at naging Star Circle member ito 4 years ago.

Ang maganda kay Carla, hindi siya nagmamadali sa kanyang career dahil alam din nito sa sarili na marami pa siyang dapat pag-aralan at isa na nga rito’y ang pagiging matatas sa pagsasalita ng ating wika.

Pero sa totoo lang, ginulat din kami ni Carla sa ipinakita nitong akting sa MMK, na bagama’t isa ‘yung light-drama, makatotohanan nitong ginampanan ang role bilang isang pilantod na pinagdudahan ang katapatan ng pag-ibig na iniaalay sa kanya ng manliligaw na eventually ay naging asawa nito sa bandang huli (na ginampanan nga ni Janus).

Higit pa sa akting nina Carla at Janus, nais naming purihin ang writer ng MMK sa pagkakaloob nito ng isang simpleng drama sa buhay na nakaka-relate ang bawat tao lalo na ‘yung may mga imperfections sa katawan.

Nakakaiyak at nakakaaliw ang romansa nina Carla at Janus. Could it be na parang tinototoo na ng dalawa ang kanilang akting at halikan dahil ang dinig namin sa paligid ng ABS, totoong magdyowa raw ang dalawa?

Marahil dahil minsan din naming nakita ang mga ito nang mapadaan kami sa isang teyping ng QPIDS months ago sa Gateway, at sweet na sweet sila, ha? Panay ang yakap ni Janus kay Carla kahit wala pang kamera.

____

This entry is crossposted on the Janus del Prado Fanblog.

No comments: