Friday, March 20, 2009

Life goes on...

by Jun Lalin, Abante Tonite
March 18, 2009

Link to original article

LIFE goes on for Carla Humphries pagkatapos siyang maintriga dahil sa kissing video nila ni Raymond Gutierrez na inilabas ng TV Patrol.

Ayon kay Carla, the best of friends pa rin sila ni Raymond at hindi naka-affect sa closeness nila ang kissing video na ‘yon.

Natatawa na lang si Carla tuwing inuusisa siya ng mga tao dahil doon.

"Friends lang kasi talaga kami ni Mond. Hanggang ngayon, close pa rin kami at hindi kami naiilang na makitang magkasama pa rin kahit na lu mabas 'yung kissing video namin," sey ni Carla.

Kapag nakakausap ko ang dalaga, binibiro ko siya na sumikat siya dahil sa kissing video nila ni Raymond.

"Oo nga, lalo akong nakilala dahil sa kissing video na 'yon. Noong nag-taping kami ng Everybody Hapi sa Boracay, maraming nagpapa-picture sa akin, tapos, hinahanap nila sa akin si Mond.

"Ako naman po, natatawa na lang and sinasabi ko sa mga nagtatanong na hindi ko kasama si Mond, pero hindi ko na ine-explain sa kanila na friends lang kami.

"Pinababayaan ko na lang kapag may mga nagdududang kami ta laga ni Mond ang magkarelasyon," sabi ni Carla.

Ano ang nararamdaman niya kapag sinasabi ni Annabelle Rama na wala itong reklamo sakaling mag-on sila ni Raymond?

"Syempre, kapag sinasabi ni Tita Annabelle na gusto niya ako dahil disenteng babae ako, natutuwa ako. Pero ganoon lang naman si Tita Annabelle. Siguro, alam din naman niya na hindi talaga kami mag-on ni Mond.

"Saka si Tita Annabelle kasi, she’s always nice sa akin. Kahit noong wala pa ako sa Royale ERA, kapag nakikita niya ako, palagi niya akong kinakausap,” dagdag ng dalaga.

Sa ngayon ay busy si Carla sa kaliwa’t kanang guestings. Pangarap niya na mapasama sa isang TV series.

No comments: