Tuesday, March 21, 2006

Mana sa Ama?

Tiyempo
by Chit Ramos

Mana sa ama
From: http://www.tempo.com.ph/news.php?aid=22392

Janus del Prado, on the other hand, is a veteran actor kahit 21 years old pa lamang siya. Dating child actor at hindi matatawaran ang husay sa pag-arte.

Nang mag-join siya sa "Qpids’ contest, hindi lang niya naipakita ang bagong talento bilang comedian. Natuhog din niya ang puso ng ka-love team na si Carla Humphries.

Syempre, pa-deny-deny pa sila ngayon, pero, action speaks more than words. Posibleng totoo ang sinasabi nilang pareho pa silang bata. Na gusto pa niyang mag-mature muna para matiyak kung puedeng maging sila na nga in the future, but they can’t help being close to each other.

"He has all the qualities of a dream man. Guwapo, matalino, career focused, understanding aside from always being there when I need him. But l’m just turning l8 and he has given me all the time in the world to enjoy my youth. I appreciate that very much. ‘Yung walang pressure. Mahirap kasing magkamali," pagtatapat ni Carla.

Naipakilala na rin ni Janus si Carla sa kanyang daddy (character actor Renato del Prado) nang magbalik-bayan ito kamakailan. Tulad ng inaasahan, tuwang-tuwa ito dahil natuklasan niyang manang-mana pala sa kanya ang anak. Pareho silang mahilig sa mestisa.

___

Originally posted by Masoral on the ABS-CBN Forums. Thank you!

No comments: