Tuesday, January 09, 2007

Ayaw sa relasyong 'Okey lang!'

From Buzz Magasin's January 2007 issue

Shocking na Showbiz Hiwalayan!
by Athena Fregillana

Nagkakilala sila sa set ng Qpids. Halos araw-araw ay nagkikita sila at nagkakatrabaho. Sila ang ibonoto ng fans para mag-survive sa reality love team search na nabanggit. Sino nga bang mag-aakalang ang on-screen love team na sina Janus del Prado at Carla Humphries ay naging real life sweethearts?

Natuklasan nilang click sila dahil kuwela si lalaki at mahilig sumalo ng joke si babae. Hindi nga naiwasang ma-in-love si Carla sa kuwelang personality ni Janus. Si Janus naman ay nabighani sa kagandahan at sweetness ni Carla. Bakit nga ba sila naghiwalay? Nagkasawaan nga ba? Minsan daw ay sinabihan na lang ni Janus si Carla na huwag na muna silang magkita. Parang nag-fall out of love na ang binata. Inalam tuloy ni Carla kung mahal pa siya ni Janus at simpleng "Okey lang" ang sagot nito.

Kaya nagdesisyon ang babae na putulin na nga ang kanilang relasyon. Hindi satisfied si Carla sa sagot ni Janus. Meaning, hindi okey!

No comments: