Saturday, December 02, 2006

More on Dedmahan

December 02, 2006

People's Tonight
By: Nitz Miralles

Link to original article

Hindi maganda ang break-up nina Carla Humphries at Janus del Prado dahil dinedma ng actor ang ex-girlfriend nang magkita sa harap ng isang resto sa The Loop ng ABS-CBN.

’Di pinansin ng actor nang tawagin at lapitan siya ng dating nobya.

No choice si Carla kundi bumalik sa resto, kung saan may interview sila ni Victor Basa, ka-love team niya sa Abt Ur Luv ng Star Magic Presents.

Bilib kami sa kanya’t inaming crush ang kapareha’t may pagnanasa siya rito.

Naiinis nga ito’t matagal manligaw si Victor at nagselos nang malamang type ito nina Valeen Montenegro at Denise Laurel.

Gusto ng mommy ni Carla si Victor dahil malambing at caring. “Mom” agad ang tawag sa mommy niya at ipinahiram ang jacket para ’di makita ang naka-expose na likod.

First screen kiss ni Carla si John Lloyd Cruz, pero ’di malimutan ang smack kiss nila ni Victor sa kanilang show.

Next time, either ’di siya mag-lip gloss o kakapalan ang paglalagay nito para mas maramdaman niya ang halik ng binatang love na niya.

Tag: Press, Janus, Carla

Friday, December 01, 2006

Carla kinikilig kay Victor Basa

December 01, 2006

Link to original article

Ambus
By Ambet Nabus

Madrama pala ang buhay ni Victor Basa, ang isa sa mga guwapong baguhan na ginugroom ng ABS-CBN para maging mala-king bituin.

Nag-umpisa bilang isang ramp model si Victor, hanggang sa makilala siya sa mga dating naglalakihang Penshoppe billboards at eventually ay pumasok na sa mundo ng showbiz.

”Hindi rin po naging madali ang lahat,” tsika ni Victor sa aming panayam. Dati kasi ay wala-wala lang sa kanya ang showbiz dahil akala niya ay ‘fun’ lang ang lahat. Pero nang mag-umpisa na siyang umarte sa kamera at mag-attend ng workshops, ‘dun niya na-realize na gusto niya pala ang pag-arte.

* * *

Isa sa mga ibinahaging karanasan ni Victor na nagsisilbing ‘giya’ niya everytime na humaharap siya sa kamera ay ang naranasan nilang mag-anak noong 2002, matapos mamamatay ang kanyang ama.

”For almost one year po ay kandila lang halos ang ilaw namin sa bahay dahil we could not afford to even pay for our electric bill. Naging rebelde din po ako dati, umiinom at malakas manigarilyo,” litanya pa ng guwapong model-actor, pero klinarong never siyang nag-drugs.

Ipinakita pa niya sa amin ang buradong tattoo sa kanyang kaliwang braso na tanda ng kanyang pagrerebelde. At dahil nais maging seryosong aktor ni Victor, kina-career niya ang pagiging love partner ni Carla Humphries sa Abt Ur Luv, ang pinakabagong youth oriented program ng Dos.

Iba raw ang show na ito kumpara sa role niya sa Crazy For You kung saan napansin ng marami ang kanyang pag-arte. Sa Abt Ur Luv, mas malapit sa pagkatao niya ang kanyang karakter at dahil youth-oriented ito, naging mas magaan daw ito dahil puro mga bata ang kasama niya sa show.

* * *

May consensus naman palang pareho sina Victor at Carla sa pairing nila sa nasabing programa.

Through pictures ay pinapili si Victor kung sino ang gusto niyang maka-love team at si Carla nga ang kanyang napili.

Aminado naman si Carla na crush niya si Victor at winish nitong sana nga sila ang maging magkapareha.

“Sino ba naman ang hindi matutunaw sa kaguwapuhan niya? Type ko pa naman yung mga pamysterious effect,” tsika pa ni Carla na fluent palang magsalita ng French aside from English at Tagalog.

18 years old na si Carla at nagmature na raw siya after splitting with Janus del Prado na forever daw niyang ikukunsider na matino at maasahang boyfriend.

Madami raw itong naituro sa kanya at grateful siya na friends pa rin sila hanggang ngayon.

Tag: Press, Abt Ur Luv, Victor

New Love Team

December 01, 2006

Freehand
By Mario Bautista

Link to original article

STAR Magic’s Rikka Dylim presented their newest love team in “Ab Ur Luv”: Carla Humphries, 18, and Victor Basa, 21. Carla plays Brenda, the cousin of Shaina Magdayao and sister of Empress Schuck. She leads a peaceful and orderly life. Victor is Stick, a hunky gym instructor. When the show started last Saturday, they confessed their love for each other and are now going steady. Victor is Carla’s second partner. She was first paired with Janus del Prado in “Qpids” and they really became sweethearts for almost one year. What caused the breakup?

“Magkaiba kami,” she says. “Iba ang sense of humor niya. Kung minsan, hindi ko nage-gets.”
How does she like Victor? “Okay. Mabait. Very quiet. E, ako madaldal, so we complement each other. May HD na nga ako sa kanya.”

HD stands for Hidden Desire. And how does Victor find Carla? “Very pleasant,” he says. “Everytime I see her, she’s always smiling. I’m very comfortable with her. When I saw our picture together, I realized okay palang chemistry namin. I hope the public will like our love team.”

They say he’s the most serious cast member of “Ab Ur Luv.” “Siguro because I’m the eldest. The other guys like Angelo Patrimonio, Rayver Cruz and Enchong Dee are still in their teens. Also, it’s because I’m very disciplined. I don’t drink and I don’t smoke.”

And he’s still a virgin. Something that surprises most people who think all young men and women today are “pakawala” with loose morals. “I come from a conservative and religious family,” he says.

Victor started as a ramp model for Penshoppe when he was 19. “Joining showbiz with shows like ‘Crazy for You’ and ‘ASAP’ made me a familiar face so when I appear on the ramp now, grabe na ang response. Dati, wala lang, e.”

“Ab Ur Luv” is a refreshing series about life, friendship, young love and being real, made in the tradition of hit ABS youth shows like “Gimik” and “Tabing Ilog,” with a new generation of young stars. It airs Saturdays at 5 p.m., after “Let’s Go.”

Tag: Press, Abt Ur Luv

Thursday, November 30, 2006

Dedmahan?

People's Taliba
Dinno Erece

Link to original article

NAGDEDMAHAN ang dating mag-on na sina Carla Humphries and Janus del Prado.

May katagalan na rin namang nag-split sina Carla and Janus after being together for more than a year. Both apparently has moved on at akala namin, the separation was amicable.

Ang gaganda nga ng sinabi ni Carla about Janus dahil napakarami raw nitong natutunan sa first boyfriend who is so deep thinking. Kaso habang nagbi-break si Carla sa labas ng restaurant sa ABS CBN, ang Cheapstakes, napadaan si Janus together with former ABS Star Magic twin Dominic and Felix Roco, nagdaanan lang ang dalawa.

Biniru-biro pa namin both na kung bakit hindi sila nagpansinan, lumayo na lang si Janus so forced to say hi and goodbye lang ang kambal kay Carla para sundan agad si Janus.

Puro tawa naman si Carla na nagsabing nag hello daw siya na hindi namin napansin so biro namin sa kaniya, isyu ito. Single pa rin ngayon si Carla although she has a new love team, model turned actor Victor Basa at kalu-launch pa lang sa kanila sa nag pilot na Star Magic Presents: Abt Ur Luv kung saan they played beaus as Brenda and Stick.

Kami namang si gaga, nakalimutan naming itanong kay Victor kung ano ang naging reaction niya about that dedmahan.

Tag: Press

Victor, Carla, Denise

People's Tonight
Hot 'n Spicy
By: Vinia Vivar

Link to original article

Medyo mahiyain pa si Victor Basa, ang talent ng Star Magic na kasama sa cast ng Star Magic Present Abt Ur Luv, na napapanood every Saturday.

Matipid at seryoso siyang sumagot sa mga tanong na akala pa nga namin at first, wala siya sa mood.

“Hindi po, inantok po kasi ako sa kinain kong dessert,” rason niya.

Si Victor ang latest ka-loveteam ni Carla Humphries sa Star Magic Presents...

Aniya, ngayon lang siya nagkaroon ng masasabing kapareha dahil dati, ka-triangle niya sina Luis Manzano at Toni Gonzaga sa Crazy for You.

Three weeks pa lang daw silang nagkakakilanlan ni Carla. Sa taping lang sila nagkakilala, kaya nasa getting-to-know-each other stage pa lang sila.

He finds Carla sweet, pretty at mabait. Pero too early to tell pa raw kung magiging for real din ang kanilang loveteam.

This early, may intriga na agad kay Victor at ito ay ang tsismis na pinag-aagawan siya nina Carla at Denise Laurel sa paghahatid-sundo sa kanya.

“Hindi naman po ganu’n. Once lang po ako nakisakay sa kotse ni Carla at kasama rin namin si Denise dahil nagsimba kami nu’n. Magkalapit lang kasi ang bahay namin ni Carla,” paliwanag niya.

Aware rin siya na pinagpipistahan siya sa Internet at sinasabing gay siya.

“Ako mismo ang nakabasa nu’n. Nagulat po ako, pero ’di naman po totoo. Hindi po ako gay,” aniya.

Si Victor ay isa sa ASAP ’06 Cover Boys. Kasama rin siya sa magtatapos nang Crazy for You and soon, sa Walang Kapalit.

Wednesday, November 29, 2006

Victor hatid-sundo?

Link to original article

Victor Basa hatid-sundo ng dalawang young actresses?
Victor Basa reportedly gets free rides from his two female co-stars.
by Alex Brosas
November 28, 2006

Newcomer Victor Basa is one lucky guy. Hatid-sundo raw kasi ang drama niya sa dalawa niyang kasama sa isang show sa ABS-CBN.

We're referring to Denise Laurel and Carla Humphries na co-stars niya sa Star Magic Presents: Abt Ur Luv.

At the moment, wala pang kotse si Victor. Nagmagandang-loob naman daw si Denise na sunduin siya't ihatid sa taping para maging convenient siya sa pagre-report sa location nila.

Hindi naman daw nagpatalbog si Carla at nag-volunteer din itong sunduin at ihatid ang newcomer sa taping nila. Hindi nga lang namin alam kung aware sina Denise at Carla na dalawa silang nagmamagandang-loob kay Victor.

So, why are they doing this? Pareho raw kasing crush ng dalawang young stars si Victor.

Next month daw ay bibili na ng second-hand car ang actor-model. It would be interesting to know kung sino ang ihahatid at susunduin niya sa dalawa.

Aside from Abt Ur Luv, regular ding napapanood si Victor sa Sunday musical variety program ng Dos na ASAP ‘06.

Tag: Victor, Denise, Press

On Wowowee

Carla was with fellow Abt Ur Luv castmates Aldred, Aaron, and Lauren to promote the show on today's episode of Wowowee.

You can watch the short video on YouTube.



Selected screenshots below.






Tag: Wowowee, Plug, Abt Ur Luv