Thursday, November 30, 2006

Victor, Carla, Denise

People's Tonight
Hot 'n Spicy
By: Vinia Vivar

Link to original article

Medyo mahiyain pa si Victor Basa, ang talent ng Star Magic na kasama sa cast ng Star Magic Present Abt Ur Luv, na napapanood every Saturday.

Matipid at seryoso siyang sumagot sa mga tanong na akala pa nga namin at first, wala siya sa mood.

“Hindi po, inantok po kasi ako sa kinain kong dessert,” rason niya.

Si Victor ang latest ka-loveteam ni Carla Humphries sa Star Magic Presents...

Aniya, ngayon lang siya nagkaroon ng masasabing kapareha dahil dati, ka-triangle niya sina Luis Manzano at Toni Gonzaga sa Crazy for You.

Three weeks pa lang daw silang nagkakakilanlan ni Carla. Sa taping lang sila nagkakilala, kaya nasa getting-to-know-each other stage pa lang sila.

He finds Carla sweet, pretty at mabait. Pero too early to tell pa raw kung magiging for real din ang kanilang loveteam.

This early, may intriga na agad kay Victor at ito ay ang tsismis na pinag-aagawan siya nina Carla at Denise Laurel sa paghahatid-sundo sa kanya.

“Hindi naman po ganu’n. Once lang po ako nakisakay sa kotse ni Carla at kasama rin namin si Denise dahil nagsimba kami nu’n. Magkalapit lang kasi ang bahay namin ni Carla,” paliwanag niya.

Aware rin siya na pinagpipistahan siya sa Internet at sinasabing gay siya.

“Ako mismo ang nakabasa nu’n. Nagulat po ako, pero ’di naman po totoo. Hindi po ako gay,” aniya.

Si Victor ay isa sa ASAP ’06 Cover Boys. Kasama rin siya sa magtatapos nang Crazy for You and soon, sa Walang Kapalit.

No comments: