Thursday, November 30, 2006

Dedmahan?

People's Taliba
Dinno Erece

Link to original article

NAGDEDMAHAN ang dating mag-on na sina Carla Humphries and Janus del Prado.

May katagalan na rin namang nag-split sina Carla and Janus after being together for more than a year. Both apparently has moved on at akala namin, the separation was amicable.

Ang gaganda nga ng sinabi ni Carla about Janus dahil napakarami raw nitong natutunan sa first boyfriend who is so deep thinking. Kaso habang nagbi-break si Carla sa labas ng restaurant sa ABS CBN, ang Cheapstakes, napadaan si Janus together with former ABS Star Magic twin Dominic and Felix Roco, nagdaanan lang ang dalawa.

Biniru-biro pa namin both na kung bakit hindi sila nagpansinan, lumayo na lang si Janus so forced to say hi and goodbye lang ang kambal kay Carla para sundan agad si Janus.

Puro tawa naman si Carla na nagsabing nag hello daw siya na hindi namin napansin so biro namin sa kaniya, isyu ito. Single pa rin ngayon si Carla although she has a new love team, model turned actor Victor Basa at kalu-launch pa lang sa kanila sa nag pilot na Star Magic Presents: Abt Ur Luv kung saan they played beaus as Brenda and Stick.

Kami namang si gaga, nakalimutan naming itanong kay Victor kung ano ang naging reaction niya about that dedmahan.

Tag: Press

No comments: