Friday, December 01, 2006

Carla kinikilig kay Victor Basa

December 01, 2006

Link to original article

Ambus
By Ambet Nabus

Madrama pala ang buhay ni Victor Basa, ang isa sa mga guwapong baguhan na ginugroom ng ABS-CBN para maging mala-king bituin.

Nag-umpisa bilang isang ramp model si Victor, hanggang sa makilala siya sa mga dating naglalakihang Penshoppe billboards at eventually ay pumasok na sa mundo ng showbiz.

”Hindi rin po naging madali ang lahat,” tsika ni Victor sa aming panayam. Dati kasi ay wala-wala lang sa kanya ang showbiz dahil akala niya ay ‘fun’ lang ang lahat. Pero nang mag-umpisa na siyang umarte sa kamera at mag-attend ng workshops, ‘dun niya na-realize na gusto niya pala ang pag-arte.

* * *

Isa sa mga ibinahaging karanasan ni Victor na nagsisilbing ‘giya’ niya everytime na humaharap siya sa kamera ay ang naranasan nilang mag-anak noong 2002, matapos mamamatay ang kanyang ama.

”For almost one year po ay kandila lang halos ang ilaw namin sa bahay dahil we could not afford to even pay for our electric bill. Naging rebelde din po ako dati, umiinom at malakas manigarilyo,” litanya pa ng guwapong model-actor, pero klinarong never siyang nag-drugs.

Ipinakita pa niya sa amin ang buradong tattoo sa kanyang kaliwang braso na tanda ng kanyang pagrerebelde. At dahil nais maging seryosong aktor ni Victor, kina-career niya ang pagiging love partner ni Carla Humphries sa Abt Ur Luv, ang pinakabagong youth oriented program ng Dos.

Iba raw ang show na ito kumpara sa role niya sa Crazy For You kung saan napansin ng marami ang kanyang pag-arte. Sa Abt Ur Luv, mas malapit sa pagkatao niya ang kanyang karakter at dahil youth-oriented ito, naging mas magaan daw ito dahil puro mga bata ang kasama niya sa show.

* * *

May consensus naman palang pareho sina Victor at Carla sa pairing nila sa nasabing programa.

Through pictures ay pinapili si Victor kung sino ang gusto niyang maka-love team at si Carla nga ang kanyang napili.

Aminado naman si Carla na crush niya si Victor at winish nitong sana nga sila ang maging magkapareha.

“Sino ba naman ang hindi matutunaw sa kaguwapuhan niya? Type ko pa naman yung mga pamysterious effect,” tsika pa ni Carla na fluent palang magsalita ng French aside from English at Tagalog.

18 years old na si Carla at nagmature na raw siya after splitting with Janus del Prado na forever daw niyang ikukunsider na matino at maasahang boyfriend.

Madami raw itong naituro sa kanya at grateful siya na friends pa rin sila hanggang ngayon.

Tag: Press, Abt Ur Luv, Victor

No comments: