Saturday, December 02, 2006

More on Dedmahan

December 02, 2006

People's Tonight
By: Nitz Miralles

Link to original article

Hindi maganda ang break-up nina Carla Humphries at Janus del Prado dahil dinedma ng actor ang ex-girlfriend nang magkita sa harap ng isang resto sa The Loop ng ABS-CBN.

’Di pinansin ng actor nang tawagin at lapitan siya ng dating nobya.

No choice si Carla kundi bumalik sa resto, kung saan may interview sila ni Victor Basa, ka-love team niya sa Abt Ur Luv ng Star Magic Presents.

Bilib kami sa kanya’t inaming crush ang kapareha’t may pagnanasa siya rito.

Naiinis nga ito’t matagal manligaw si Victor at nagselos nang malamang type ito nina Valeen Montenegro at Denise Laurel.

Gusto ng mommy ni Carla si Victor dahil malambing at caring. “Mom” agad ang tawag sa mommy niya at ipinahiram ang jacket para ’di makita ang naka-expose na likod.

First screen kiss ni Carla si John Lloyd Cruz, pero ’di malimutan ang smack kiss nila ni Victor sa kanilang show.

Next time, either ’di siya mag-lip gloss o kakapalan ang paglalagay nito para mas maramdaman niya ang halik ng binatang love na niya.

Tag: Press, Janus, Carla

No comments: