Saturday, September 24, 2005

Bulgar Article on JaRla

CF's Note: Many thanks to Jacee for finding this article.

_________

TEKA NGA!
ni Erlinda Rapadas, Bulgar
Sep 24, 2005

“Weird couple” ang bansag sa love team na JaRla (Janus del Prado at Carla Humphries Loren) na isa sa apat na parehang naka-survive at maglalaban-laban para tanghaling Ultimate Love Team sa Qpids Grand Finals Night.

Komikero ang dating ni Janus samantalang prim and proper ang ka-love team niyang si Carla Loren. Opposite ang ugali nina Carla at Janus pero nagging napakalakas ng impluwensiya ng pagiging kenkoy ng huli sa kanyang ka-love team. At kahit super kulit ni Janus ay natanggap na ito ng dalaga. Sila ngayon ang binansagang Maricel Soriano at William Martinez ng Qpids.

Bagama’t hindi nakikitang super sweet sina Janus at Carla, hindi naman daw nangangahulugan na pang-showbiz lang ang kanilang love team. Hindi raw kasi sila mahilig magpakita ng kanilang damdamin o feelings kapag nasa public place.

Aminado si Carla na lahat ng qualities na gusto niya sa isang guy ay taglay ni Janus. Tuluyan na niyang nakalimutan ang dati niyang ka-love team na si Mikel Campos.

Kwento naman ni Janus, nang dahil kay Carla ay naalis niya ang bisyong paninigarilyo. At ginawa niya lahat upang ipaglaban ang love team nila ni Carla Loren sa Qpids challenge.

No comments: