Many thanks to Masoral on the ABS-CBN Forum's JaRla Thread for posting this Tempo Article by Chit Ramos.
CF's Note: What follows below is an excerpt only. For the full article, please follow the link above.
TIYEMPO
by Chit Ramos
Tanggap nila
Handang-handa naman sina Janus del Prado at Carla Loren ano man ang resulta ng contest. Tama na sa kanila ang nagkasama sila sa loob ng limang buwan at ang isiping kakaiba ang kanilang tambalan from the rest of the gang.
Parang Maricel Soriano at William Martinez. Kung gaano ka-seryoso si Carla, ganoon naman ka-jester si Janus.
"Pasalamat na nga ako at nasama pa sa final four," sabi ni Janus.
"Sa dami ng frustrations ko sa buhay, aba’y isang malaking achievement na ito. Sa loob naman siguro ng anim na buwan ay may maasahan na akong trabaho."
Hindi nga raw niya maintindihan kung paano nagustuhan ng love council members ang mga kakornihan niya. Kilala kasi siya bilang serious actor. Kontrabida rin tulad ng role niya sa "Spirits" teleserye last year ni direk Chito Roño.
Carla, on the other hand, says na very thankful siya at si Janus ang naging kapareha niya. Ang dami-dami raw niya kasing natutuhan sa binata. Kapag hindi ito nagpapatawa, tinuturuan siya nito kung paano maging versatile as a performer.
"Pangarap kasi si Janus na maging action star. Kasi sila raw ang mga hari noon ng showbiz at highest paid pa. Nagiging producers in the end.
"But now, kakaunti na lang ang action stars. Nagsu-switch na rin sa comedy. Kaya we really have to be prepared when the time comes."
Tuesday, September 27, 2005
JaRla article on Tempo
Posted by CF at 8:45 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment