CF's Note: This entry only contains text and photos related to JaRla. For JilWyn's write-up, please visit the JilWyn Shrine. :D
JilWyn at JaRla love teams nagpatalbugan!
by Patty Ramirez. Photo by Edward dela Cuesta
Dalawa sa pinakakikiligang Qpids love teams ngayon ang tambalang Jill Yulo-Alwyn Uytingco at Janus Del Prado-Carla Loren, na mas kilala sa tawag na JilWyn at JaRla. Maraming bagay na magkahawig sa dalawang tambalang ito, na pasok na sa Qpids Top 4. Produkto ng Star Circle Batch 9 sina Alwyn at Janus at Star Circle Batch 11 naman sina Jill at Carla. Pero siyempre, there is always something na nagpapa-stand out sa isang love team, and of course, kanya-kanya nang puntos na ang JilWyn at JaRla. Eh, ano nga ba ang mga iyon? Alamin natin!
Our Stories. Nang unang magkaalaman kung sino ang partner nino, okey lang and description ni Janus at Carla sa relationship nila. Business noong una, sabi nga, dahil pinag-usapan nila na magtutulungan silang dalawa para mag-work ang pair nila. Friendly ang lahat nang usapan nila, pero dahil sa kakulitan ni Janus at sweetness ni Carla, eventually ay naging close na rin sila.
Kilig Moments: HHWW by the Riverside. Special na maituturing sa JaRla ang date nila sa Marikina River Parks. Sumakay sa malaking sapatos, nag-boating, kiddie rides at videoke. Pero best of all, pagtawid nila sa footbridge ng river ay bumukas ang mga ilaw nito, pati ang mga ilaw sa side ng river at nagliwanag ang lahat. Parang eksena sa pelikula, diba? Dagdag pa ni Carla na pinaka-sweet na ginawa rin ni Janus ay ang kantahan siya ng isang song na ito mismo ang nag-compose.
What I Like About You. Janus describes Carla as someone pure. Inosente, maasikaso at sobrang malambing. Usual na rin daw kay Carla ang manggigil tulad ng ibang girls at nanghahampas or nagiging physical pero okey pa rin 'yun kay Janus. It's all part of the package, 'ika nga. Like naman ni Carla ang pagiging totoo ni Janus. Hindi raw pa-impress ang kanyang partner, super sweet at higit sa lahat, funny.
Final Words. The comedy and drama love team ang bansag sa JaRla. All in one na kumbaga. And that they say makes their partnership really special.
Friday, September 30, 2005
JaRla on The Buzz Magasin, Oct 2005 issue
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment