Saturday, September 24, 2005

Remate Article on JaRla

CF's Note: Many thanks to Jacee for finding this article.

____________

Stop Me!
by: Eric L. Borromeo, Remate
Sep 22, 2005

JANUS DEL PRADO, GRABE SA KAKULITAN!

At kung gaano kaseryoso itong sina Paw at Mikel, grabe naman sa kakulit itong ka-loveteam ni Carla Loren na si Janus del Prado. Porke siya ang "senior" sa grupo, biro ng ibang ka-loveteam, kuwelang-kuwela itong si Janus.

Contrast sa personality ni Carla na very prim and proper ang kakengkuyan ni Janus. Pero ang sabi ni Carla, "Malaki ang naitulong niya sa akin. Marami akong natutunan sa kanya. Pati na rin 'yang kakulitan niya. Grabe talaga sa kulit 'yan!"

Finalist din ang loveteam na JaRla sa Qpids.

Sabi naman ni Janus, "Alam kong hindi talaga ako pipiliin ng mga love princesses noon, kaya nagulat talaga ako nu'ng mapasama ako sa finalists. Tapos, eto na nga grand finals na."

At ang puri niya sa ka-loveteam na may dugong Pranses, "Gusto ko siya kasi she levels with me."

No comments: