by Melba Llanera
January 19, 2008
"Kailangan sabayan mo ang takbo ng panahon. Kung tumatanda ka na, di puwede na bata pa rin ang gagampanan mong roles," says Carla Humphries abour her change of image.
Link to original article
Photo by Noel Orsal
Sa nakaraang presscon para sa mga leading ladies ng Palos ng ABS-CBN last January 17, pinagtakhan ng mga nandoon ang pag-iyak ni Carla Humphries nang hingan siya ng parting words tungkol sa role niya sa nasabing teleserye.
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Carla pagkatapos ng presccon proper, inamin ng young actress na ang pagiging emosyonal niya ay dahil alam niyang ang role niya sa Palos ay daan para gumawa siya ng sariling marka sa industriya. Tuluyan na kasi niyang tatalikuran ang kanyang teenybopper image at papasok na rin sa mature and daring roles.
Ayon kay Carla, "Naging emosyonal ako dahil matagal kong pinangarap ang opportunity na ito, saka matagal kong hinintay na i-prove ang sarili ko at gumawa ng tatak sa industriya. Hindi sa natagalan o sa ano pa mang rason, pero ngayon ko naramdaman na ready na ako. Yung six years ko bilang artista, para sa akin di ko binilang masyado. Pero ngayon ako naging decided talaga to give my all in this craft."
Ayon sa co-star ni Carla na si Bangs Garcia, siya ang leading lady ni Jake Cuenca sa Palos. Paano kaya masasabing big break ito talaga ni Carla gayong isa lang pala siya sa magiging leading ladies ni Jake bilang kababata nito?
"Hindi naman kailangang maging bida para tumatak ka sa tao. Saka positibo ako na alam ko magbubukas pa ang mga pintuan ng Palos para sa akin," paliwanag niya.
NEW IMAGE. Aminado si Carla na ang pagbabagong image ng ilan sa mga young actresses ang nagbigay ideya sa kanya kung bakit naisip niyang subukan na ring sumabak sa mga mature roles.
"Kasi ngayon, pati si Bea [Alonzo], Shaina [Magdayao], open na silang gumawa ng mature roles. Saka hindi naman tama na nasa edad ka, nagbe-baby-baby ka pa. Kailangan sabayan mo ang takbo ng panahon. Kung tumatanda ka na, di puwede na bata pa rin ang gagampanan mong roles.
"Ibang Carla ang makikita nila, sa tinagal-tagal ng loveteam namin ni Janus [del Prado], ng lovetam namin ni Victor [Basa], wala kaming naging kissing scene, puro daya at yakap lang. Ngayon, hindi ko alam kung may kissing scene kami ni Victor pero sa trend na sine-set ng Palos, posible, ‘tsaka pine-prepare ko na ang sarili ko. Pinili ko ang Palos dahil alam kong makakatulong sa career ko, hindi demeaning sa akin bilang babae kundi mapapahanga pa ang iba," mahaba niyang pahayag.
Open sa mga kissing at love scenes si Carla, pero iginiit ng young actress na ayaw niyang mabansagang sexy star. Kung may gusto man siyang sundang yapak, ito ay ang career path ni Anne Curtis.
"Regarding sa mga kissing scene and love scenes, depende sa pag-uusapan at ipagagawa," sabi ni Carla. "Ngayon, kung ano ang ire-require sa akin ng Palos, pag-uusapan nila Mr. M [Johnny Manahan], Ms. Mariol [Alberto]. Kung ano ang required na gagawin ko, gagawin ko, basta di makakaapekto sa career ko.
"Actually, ayokong ma-emphasize na sexy star, gusto ko ma-emphasize na iba ang ipapakita ko bilang artista. Ngayon ang peg sa akin ay Anne Curtis, so di lang pagpapa-sexy ang ibubuga ko kundi malaking factor ang acting."
JAKE'S LEADING LADIES. Hindi maiiwasang ikumpara ang mga leading ladies ni Jake sa istorya—siya, si Bangs, at si Roxanne Guinoo. Ano kaya ang maikukunsidera ni Carla na edge niya sa iba?
"Sa three girls na kasama ko dito, I think my experience is my edge dahil matagal na ako sa showbiz. Kahit hindi pa ako nagkakaroon talaga ng final place in the industry, I would say I prepare myself to make my own mark. Secondly, I think I want it more than anything. Gagawin ko lahat ng magagawa ko, but not to the point of selling myself," sabi ni Carla.
Carla came from a well-to-do and conservative family, pero ang pamilya pa pala niya—lalo na ang kanyang ina—ang kumumbinsi sa kanya na maging bukas sa mga pagbabago na dapat na gawin niya sa kanyang career.
"Actually, pinag-usapan namin ito ng family ko," kuwento ni Carla. "Sabi ng Mommy ko, ‘Paano ka magiging artista kung masyado kang maraming limitations and restraints?' Kung tutuusin ang mga artista ngayon, di na ganun ka-conservative. Kasi kung napapanood ninyo ngayon, di na puro Maria Clara ngayon dahil nage-evolve na ang mga Pinoy at ‘yon ang sinasabayan ko. My family naman knows me na hindi ako bastos na tao, nasa pagdadala niya ‘yon. Ang kailangang ilagay sa isip ng iba, role lang ito."
JANUS & VICTOR. Hindi naging maganda ang paghihiwalay nila Carla at ng ex-boyfriend na si Janus; inamin noon ni Janus na sobra siyang nasaktan sa ginawang pakikipaghiwalay sa kanya ni Carla. Aminado ang aktres na hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakaayos ni Janus.
"Parang lumipas na yung panahon ng pakikipag-reconcile, ng pagbabati. Pangit naman kung hahabulin ko siya kasi bukod sa di na kami, wala na akong nakikitang rason para magkaayos kami. Kung ayaw ng tao, ayaw niya, di ko siya pipilitin. Ang gusto ko lang naman maging magkaibigan kami uli," pahayag niya.
Nilinaw rin ni Carla na hindi naging sila ni Victor Basa, gaya ng nabalita before.
"Never naging kami," giit niya. "Kung nanligaw ba siya? Siya na lang ang tanungin ninyo, pero matagal ang itinakbo ng loveteam namin. But it never led into a relationship."
Monday, January 21, 2008
Carla sheds sweet image for mature roles
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment