Tuesday, January 22, 2008

Ready na para magpa-sexy

by Veronica Samio
Pilipino Star, Showbiz
January 20, 2008

Link to original article

“Manood kayo ng Palos (bagong adventure/action series ng ABS-CBN na magsisimula sa January 28) at ibang-ibang Carla (Humphries) ang makikita n’yo rito. Magugulat talaga kayo,” pangako niya.

Anim na taon nang nasa bakuran ng ABS-CBN si Carla. Bahagi siya ng Star Circle Batch 11. Matagal na panahon kung tutuusin pero, hindi ito nainip at bagkus ay sinabing kuntento siya sa pagpapatakbo ng Dos ng kanyang career.

“The years have prepared me for Palos, I’m now fully equipped to handle mature roles (meaning, going sexy and having kissing scenes). Ipinagdasal ko ang moment na ito kaya ayaw ko ng distraction. Wala munang lovelife, I’m focused on my career now,” dagdag pa niya na napaiyak sa tindi ng kanyang emosyon.

Sa Palos, hindi siya isang secret agent na tulad nina Regine Angeles, ang Be Bench model at Bangs Garcia, dating Gokada Girl. Siya si Stella, kababata ni Giancarlo na ginagampanan ni Jake Cuenca. Isa siya sa mga leading ladies ni Jake at palagi siya ritong naka-beach outfit.

“My blessing ng family ko ang pagbabago ng image ko. Sabi nga ng mom ko ‘Paano ka sisikat kung marami kang inhibitions?’ Just like Shaina (Magdayao) and Bea (Alonzo) who have decided to undergo change and tackle mature roles, ganundin ako.

“I was offered the kontrabida role in Anna Lisa, (to be played by Maja Salvador). I would have played the role once portrayed by Lennie Santos but I chose Palos instead dahil mas maganda ang role,” aniya.

No comments: