Saturday, January 19, 2008

Palos Presscon

Hot 'n Spicy
By: Vinia Vivar

Link to original article

Journal Online
January 19, 2008

NAGULAT na lang ang lahat nang biglang umiyak si Carla Humphries sa second presscon ng Palos the other night.

Hindi tuloy namin malaman kung na-offend ba siya sa sinabi ni Tita Aster Amoyo nang punahin ang konserbatibong pananamit gayung nagseseksihan ang attire ng kanyang co-stars na katabi o talaga lang natutuwa siya sa break na ibinigay sa kanya tulad ng sabi niya.

Umiiyak na sinabi ni Carla na napakatagal niyang hinintay ang pagkakataong ito. Ang magkaroon ng ganito kalaking role sa isang show.

Matagal na raw niyang inaasam na may mangyari sa kanyang career since matagal-tagal na rin siya sa showbiz.

Si Carla ay matatandaang nagsimula sa showbiz noong 1999 at 11 years old. Pero 2003 lang siya pormal na ini-launch bilang miyembro ng Star Magic ni Johnny Manahan.

Kung tutuusin, marami-rami na rin siyang programang nilabasan sa ABS-CBN, tulad ng Abt Ur Luv, Your Song, Wansapanataym, Qpids at marami pang iba.

Nakagawa na rin siya ng apat na pelikula kasama na ang A Love Story at First Romance.

Pero dahil ‘one of those’ lang siya sa mga nasabing programa at pelikula, hindi pa gaanong nagmamarka ang kanyang pangalan sa industriya.

Sa Palos, gagampanan ni Carla ang papel ni Stella, kababata ni Fabio (Cesar Montano), a major support, at aniya, isa raw ito sa mga role na matagal na niyang hinihintay.

“Abangan n’yo po ako sa Palos dahil talagang tatatak ako sa isipan n’yo at talagang magugustuhan n’yo na magsusulat nang sobra-sobra tungkol sa akin. Mapapabilib ko po kayo,” emosyonal, pero full of confidence na sabi ni Carla.

No comments: