Sunday, April 22, 2007

Ayaw na alisin si Victor Basa

People's Tonight
By: Nitz Miralles

April 22, 2007 03:16 PM Sunday

Link to original article

Ayaw pumayag ni Carla Humphries na alisin si Victor Basa sa Abt Ur Luv dahil mawawalan siya ng ka-loveteam.

Okey sa kanya kung may Walang Kapalit ito at may ibang kapareha, dahil daily ang soap at pang-Saturday ang show nila sa ABS-CBN.

Dream ni Carla ang maging big star at naniniwalang malaki ang maitutulong ng loveteam nila ni Victor para madaling matupad ang pangarap.

Sa reaction ng fans sa mall tour nila, nakikita niyang kinikilig at sinusubaybayan ang istorya nina Stick (Victor) at Brenda, role niya sa Abt Ur Luv.

Maganda, sexy at flawless si Carla, posible ba siyang mag-cover sa FHM, Uno o Maxim?

“As much as possible, ayoko dahil ’di ko carry. Conservative ako at ang family ko at mag-one-piece lang ako kung nagsi-swimming, conscious na ako. Nirerespeto ko ang desisyon ng mga nagku-cover sa men’s magazines at naa-appreciate ko ang ginagawa nila, pero personally, ’di ko kaya. Aarte na lang ako,” sabi ni Carla.

No comments: