Friday, April 20, 2007

Carla Avoids Questions about Ex

Carla Humphries avoids questions about ex-boyfriend Janus del Prado

by Dinno Erece
Thursday, April 19, 2007

Link to original article

"Please, huwag na nating pag-usapan si Janus del Prado," request ni Carla Humphries during a special press con for her and Star Magic Presents: Abt Ur Luv partner na si Victor Basa sa ABS-CBN compound.

More than a year na since nag-split sina Carla and Janus. At that time, hindi nga nila nito naamin nang official, causing a rift between Carla and Janus's sister, PEP contributor Pilar Mateo.

"Hindi ko po kasi alam kung paanong sumagot noon kapag tinatanong ng press kung kami ba o hindi, dahil may orders po sa amin not to make a big deal out of this," sagot ni Carla.

"Hindi ko po alam na inaamin na pala ni Janus ang relation namin at ako naman, non-committal so nagkaroon ng miscommunication," aniya pa.

But again, that was a year ago.

Kung maari raw, hindi na sana natatanong sa kaniya si Janus dahil matagal na rin silang walang communication. Baka isipin din daw kasi ng mga tao, ginagamit niya pa ang ex niya para may mapag-usapan lang about her.

Sa ngayon, single si Carla. May bonding na nabubuo sa kanila ni Victor. Pero sinabi niyang hindi pa siya nililigawan ng kaniyang partner. As of now, they are enjoying their blessed singleness dahil single din ngayon si Victor and their deep friendship in their series na on its second season na.

Kasama rin si Carla sa Regine Velasquez-Piolo Pascual movie ng Star Cinema. Her last movie was D' Lucky Ones kung saan si Janus ang partner niya that time.

No comments: