Tuesday, April 24, 2007

Carla in Abante article

Abante Tonite
April 24, 2007

by Joe Barrameda

Link to original article

Apat na taon na sa showbiz si Carla Humphries pero may pagka-manang pa rin siya.

Lumabas na sa sexy pictorial ang mga kasabayan niya pero never pa rin niya maatim na magpakuha kahit man lang naka-bathing suit. Hindi pa raw niya kaya.

Nalolokah nga ang Filipina mother niya. Si Carla ay may French-American na ama at dati silang naninirahan sa Paris, France kaya fluent si Carla sa wikang Pranses.

Gayung sa Paris siya nanirahan ay dapat moderna na si Carla pero kabaligtaran ito at mas pinili niya ang pagiging conservative Filipina.

Si Carla ay isa sa main cast ng Star Magic Presents Abt Ur Luv kung saan ang katambal niya ay si Victor Basa.

Hindi man aminin ni Carla ay type na type niya si Victor at kinikilig ang dalaga tuwing mapag-uusapan ang actor/model.

Natatakot kami na kapag biglang bumigay ang Carla at makawala sa pagka-konserbatibo ay baka kung anu-ano ang paggagawain.

No comments: