Sunday, May 29, 2005

Carla In Demand

Originally published on Tumbok, May 29, 2005.

Isa sa mga in-demand print and TV commercial models ng Star Magic, pinaghalong Audrey Hepburn at Jennifer Love Hewitt ang kanyang mukha pero unique pa ring matatawag ang beauty ni Carla Humphries Loren.

Isa sa mga Love Princesses sa bagong reality TV show ng Qpids, kagagaling lang ni Carla sa isang international commercial shoot para sa isang shampoo brand. Kasama si Carla sa Star Circle Batch 11 at napabilang na siya sa mga shows gaya ng Sanay's Wala Nang Wakas, Berks, at Sarah the Teen Princess.

Si Carla ay half Filipino at half French at incoming 2nd year Fine Arts student sa University of Sto. Tomas. Isa rin siya sa Harvard USA celebrity endorsers at sinelebreyt niya ang kanyang 17th birthday last May 20.

No comments: