Saturday, December 02, 2006

Carla and Victor

Ang Pilipino STAR Ngayon
December 2, 2006

by Nitz Miralles

Link to original article

Si Victor Basa pa ang nahiya nang malamang crush siya ng ka-love team sa Star Magic Presents Abt Ur Luv na si Carla Humphries. Nag-blush ito sa pagiging vocal ng dalaga na type siya at personal choice makapareha sa show ng ABS-CBN dahil guwapo siya at mabait.

Puring-puri rin ni Victor si Carla dahil very friendly, maganda at comfortable siyang katrabaho ito. Pero, kahit physically attracted siya, wala siyang planong ligawan at trabaho ang kanyang priority. Maliban na lang kung magka-developan sila’t mahirap pigilan yun.

Talagang magkaka-developan ang dalawa dahil lovers ang role nila sa AUL. Ang episode this Saturday ng show entitled Tuesday Bukols, makikita kung paano nila haharapin ang challenges, problems and trials sa kanilang relationship.

Tag: Press, Abt Ur Luv, Victor

No comments: