Sunday, December 03, 2006

Carla and Victor

Carla, 'Basa' o 'Wet'?
by Jojo Gabinete

Link to original article

December 3, 2006
Abante Tonite

Sina Victor Basa at Carla Humphries ang bagong loveteam na ipinakikilala ng ABS-CBN sa Star Magic Presents Abt Ur Luv. Twenty-one years old si Victor at 18 years old naman si Carla na rumored girlfriend noon ni Janus del Prado.

Sinabi ni Carla na hindi tumutol si Janus na ipareha siya kay Victor dahil iba ang career path ng dating child actor, gusto nito na maging komedyante.

Para kay Carla, advantage sa kanyang career na maging loveteam ni Victor dahil madodoble ang suporta ng kanilang mga tagahanga.

Aware ang newcomer na mahirap matandaan ang kanyang family name. Noong nag-uumpisa siya, ginawang Loren ng direktor na si Lauren Dyogi ang apelyido niya pero nang tumagal, Humphries pa rin ang kanyang ginamit.

Nag-suggest kami kay Carla. Bagay rin na maging screen name niya ang Carla del Prado pero si Victor at hindi na nga si Janus ang ipinapareha sa kanya.

"Carla Basa" ang pabirong suggestion ni Carla. Why not?

Pero para maiba, subukan natin na isalin sa Ingles ang family name ni Victor at ito ang gamitin ni Carla na screen name. How about Carla Wet?

***

Understandable na hindi komportable si Victor sa pagpapainterbyu sa entertainment press dahil ingat na ingat siya sa mga salita na sasabihin niya.

Iniisip ni Victor ang magiging impression sa kanya ng mga reporter dahil alam daw niya na ang "power" ng propesyon ng mga kausap.

Sinabi namin sa 21 year-old aspiring actor na hindi siya dapat mailang sa press dahil puwede silang maging kaibigan at pagkatiwalaan.

Accidental movie star si Victor dahil wala sa plano niya na maging artista pero walang kahirap-hirap na dumating sa kanya ang malaking break.

Base sa pananalita ni Victor, matalino siya. Nahihirapan lamang siya na i-express ang sarili dahil sa pag-iingat na mapintasan ng mga kaharap na reporter.

Galing sa isang fashion show ng Penshoppe si Victor nang gabing ipainterbyu siya ng ABS-CBN’s Star Magic. Ikinuwento ni Victor na malaki ang naitulong ng paglabas niya sa mga programa ng ABS-CBN (Crazy For You at ASAP) dahil unti-unti na siyang nakikilala at napapansin.

Overwhelmed ang naging pakiramdam ni Victor sa fashion show na ginanap sa FEU dahil tinatawag ng mga estudyante ang kanyang pangalan.

Para kay Victor, makatutulong ang loveteam nila ni Carla para lalo siyang makilala ng mga tao.

Tag: Press

No comments: