Sunday, November 19, 2006

Carla ipinagpalit si Janus kay Victor Basa

Footloose
By: Leo M. Bukas

HINDI pala nagtagal ang relasyon nina Carla Humphries at Janus del Prado na magka-loveteam sa soap operang Bitung Walang Ningning. Ito ang inamin sa amin ng dalaga nang makausap namin siya sa presscon ng Star Magic Presents: Abt Ur Luv na magpe-premiere next Saturday after Let’s Go sa ABS-CBN.

Hindi na raw naging madalas ang pagkikita nilang dalawa pagkatapos ng soap opera. Nawala na rin daw sila ng communication kaya nauwi lang sa wala ang lahat.

Ngayon, open si Carla sa possibility na merong bagong lalaki na ipartner o i-link sa kanya. Si Victor Basa na kaya ang tinutukoy niya?

During the presscon, panay ang tanaw ni Carla kay Victor na nasa malayong table. Pagkatapos bigla siyang tumayo at lumapit sa binata dahil kinakawayan daw siya nito.

Oh, well, bagay naman sila in fairness.

Para sa hindi pa nakaaalam, si Carla ay ma-tagal sa Star Magic. Five years ago pa namin ito kilala. Isa pa lang siyang starlet noon na walang pumapansin. Kilala rin namin ang brother niya na nasa Italy na pala ngayon.

But look at her now. Sikat na siya and she’s given good breaks sa TV. Very impressive ang naging performance niya a couple of months ago sa Maalaala Mo Kaya. Very visible din sa TV ngayon ang kanyang shampoo commercial na ipinalalabas din abraod.

Tingnan n’yo nga naman ang naging bunga ng mga pagtitiyaga ni Carla. From being just a nobody, precious gem na siya ngayon ng Star Magic.

By the way, si Carla rin ang nagbulong sa amin na si Victor ang kanyang ka-loveteam sa Star Magic Presents: Abt Ur Luv. At least, may chance na para maging close silang dalawa.

Tag: Press, AboutYourLove

No comments: