Sunday, August 13, 2006

Carla in 'First Day High'

Article Excerpt from TEMPO

Tiyempo

ni Chit Ramos

Link to complete article here

Natiyempuhan natin si Kat Alano sa shooting ng "First Day High," kung saan ang role niya’y isa sa tatlong sosing barkada ni Maja Salvador, the other two being Carla Humphries and Denise Laurel.

Worried naman si Carla sa sosi role na ginagampanan niya sa "First Day High." Kanang-kana kasi ang itsura niya kaya nahirapan siyang makuha ang approval ng masa.

But she worked on her Tagalog at isang araw ay ginulat niya ang lahat sa pagganap niya sa papel ng isang mahirap na dalagang may kapansanan pa. Pilantod siya sa isang episode ng "Maalaala Mo Kaya."

Sinundan ito ng sunod-sunod na guestings sa drama anthologies at sitcoms ng ABS-CBN.

Lalo siyang nakilala sa teleseryeng "Bituing Walang Ningning" na tinatampukan ni Sarah Geronimo. Nakata-tandang kapatid ni Angelica de la Cruz ang role ni Carla at sanda-makmak ding luha ang bumubuhos sa kanyang mga mata.

When this sosi role in "First Day High" came along, agad niyang tinanggap ito. Walang masamang tinapay siempre sa isang artistang gustong maabot ang kanyang pangarap.

___

Tag: FirstDayHigh, Article

No comments: