Thursday, June 26, 2008

Carla Humphries, natigil sa pag-aaral

Written by Eddie Littlefield

Link to original article

KAPANSIN-PANSIN ang ipinakikitang galing sa pag-arte ni Carla Humphries sa Ligaw Na Bulaklak. Very challenging naman kasi ang role niya rito bilang salbaheng kaibigan ni Roxanne Guinoo. Ka-love triangle din siya ng tambalang Erich Gonzales at Matteo Guidicelli. Siniseryoso naman kasi ng dalaga ang bawat papel na kanyang ginagampanan kaya hindi siya nawawalan ng project. Maganda rin ang naging papel niya sa “Your Song” nina Victor Basa at Joross Gamboa.

Labis naming ikinatutuwa ang magandang nangyayari ngayon sa movie career ni Carla. Palibhasa mabait at mahusay makisama sa kapwa niya artista, kaya naman pawang papuri ang maririnig mo tungkol sa dalaga. Malapit na rin ninyong makita ang billboard ni Carla bilang Tangerine endorser. Wala siyang inaaksayang oras pagdating sa trabaho. Kahit birthday niya, nakasalang siya sa taping ng Boy and Kris.

“Priority ko ang trabaho dahil minsan lang naman dumating ang ganitong pagkakataon. Puwede ko namang i-celebrate ang birthday ko after, di ba? I’m very thankful talaga at sunod-sunod ang project ko. Kaya naman pinagbubuti ko ang trabaho ko. Stop muna ako sa pag-aaral dahil gusto kong mag-concentrate sa movie career ko. ‘Pag medyo maluwag na ang schedule ko, ipagpapatuloy ko pa rin ang pag-aaral ko sa Center for International Education,” pahayag ni Carla.

No comments: